19/08/2026
:𝗔𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗿𝗲𝗲𝗱 𝗻𝗴 𝗮𝘀𝗼 𝗺𝗼?
:𝗛𝗮? 𝗘𝗵, 𝘀𝗵𝗶𝗵 𝘁𝘇𝘂...
:𝗪𝗼𝘄, 𝗮𝗻𝗴 𝗰𝘂𝘁𝗲 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻
:𝗘𝗵𝗵𝗵 𝗶𝗸𝗮𝘄, 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗿𝗲𝗲𝗱 𝗻𝗴 𝗮𝘀𝗼 𝗺𝗼?
:𝗔𝗵𝗵, 𝘁𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗶 𝗯𝗹𝗮𝗰𝗸𝘆? 𝗮𝘀𝗽𝗶𝗻 𝗶𝘁𝗼...
:𝗔𝗵𝗵𝗵𝗵𝗵...𝘀𝗽𝗶𝗻?
Hindi bat' napaka pangit isipin na kaya nating ipagsigawan ang mga salitang "tangkilikin ang sariling atin" ngunit ang iba satin hindi magawang tangkilikin ang lahing "ASPIN"?
Yung shih tzu nila nasa loob ng bahay, yung aspin nila nasa labas, taga bantay. Yung pitbull nila tumatalon sa sofa, yung aspin nila nasa labas at sa ilalim lang ng puno nagpapahinga. Hindi pa ba tayo sawa sa mga naratibong ganito? Habang sinasanto natin ang ibang lahi ng mga a*o, nakakalimutan natin na mas nangangailangan ng aruga ang mga tinatawag nating "aspin".
Bakit nga ba karamihan sa mga aspin ay askal o a*ong kalye o a*ong gala? Sila ay biktima lang din ng kapabayaan at kawalang responsibilidad ng mga naunang nag-alaga sakanila, kaya sila nagpagala-gala, dumami, naging perwisyo, at kalaunan binansagang marumi, mabaho, at nangangagat.
Ang Aspin ay hindi "less” dahil wala siyang "breed." Hindi nasusukat ang halaga ng mga alaga nating a*o base sa presyo, at lalong hindi nababawasan ang pagiging karapat-dapat niya sa pagmamahal dahil lamang siya ay isinilang sa kalsada.
Ngayong National Aspin Day, alalahanin natin na ang mga aspin ay naging tuta ring naghahanap ng yakap. Bago sila natutong matakot sa tao, marahil minsan din silang naniwala na ang tao ay tahanan.
Kaya kung may Aspin ka, huwag mong tingnan kung ano ang wala sa kanya. Tingnan mo kung gaano karaming pagmamahal ang kaya niyang ibigay. Dahil ang tunay na “may lahi” ay hindi laging nasa pedigree—minsan, nasa pusong marunong magmahal nang walang hinihinging kapalit.
𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗔𝘀𝗽𝗶𝗻 𝗗𝗮𝘆!
Para sa lahat ng Aspin na patuloy na naghihintay na mapili. 🐾