11/03/2022
Not mine.
I just Copy and Paste in here It might help someone want's to potty traine their Rabbits.
HOW TO LITTER TRAIN YOUR RABBIT
Gusto mo bang ifree-roam ang rabbit nyo pero takot kayo na baka magwiwi o magtae sa buong bahay? Gusto nyo bang malaman kung paano sila turuan na magdumi sa tamang lugar? Basahin nyo ito.
Bumili or maghanap ng litter box. Kahit planggana lang or container na rectangle at medyo malaki or di kaya baby's bath tub para kasya ang rabbit nyo at free syang gumalaw sa box. If you have the budget, lagyan nyo ng p*e pad at paper pellets. If you want to save money, you can put old newspapers na punit-punit into strips. Tapos lagay nyo rin dyan sa litter box ang dayami/damo ng rabbit. Pwede ring ilagay ang damo sa hay rack, at ilagay ang hay rack sa front ng litter box.
Ang rabbit kasi, kung saan sila kumakain, dyan rin sila nagpo-p**poo. Habang kumakain sila ng hay, tumatae rin sila. Hindi po ito unsanitary sa rabbits. It's perfectly normal (and ideal).
Medyo trabahoso po ito at kailangan ng full attention. Every time na mag p**p sila sa labas ng box, walisin kaagad at ilagay ang p**p sa litter box para maintindihan nila na dapat sa box lang ang p**p at hindi pwede sa labas. Kapag nagwiwi sa labas ng litter box, punasan agad ang wiwi gamit ang paper towel, tapos ilagay ang paper towel sa litter box. Linisan ang napagwiwihang sahig para walang amoy at hindi balikan ng rabbit sa next na pagwiwi.
Mapupuno at mababasa ang litter box nyo pagkatapos ng bawat araw. Linisin ang box gamit ang mixture ng tubig with vinegar and liquid dish soap.
Dalawa ang rabbits ko kaya twice a day akong naglilinis ng litter box (early morning and before bedtime). After 2 or 3 days, na gets kaagad ng rabbits ko at nasanay na, pero take note that some rabbits can take up to two weeks to train. Fully free-roamed sila pero hindi na ako worried. Meron pa naman accidents na out of the litter box sila magdumi pero 1-2 p**ps nalang. Good luck sa inyo. βΊ