12/04/2026
Thank you po sa nagsend ng 120pesos khapon, we accept inkind or monetary assistance any amount is greatly appreciated.
Si puppy napilitan ko bigyan ng adult dogfood with konting tubig at wetfood ksi naubusan na rin ng puppy dogfood, pati catfood, cat wetfood, catsand, dog wetfood at may sakit ngyn si Kiwi wala sya gana kumain, inaamoy nya lng wetfood nya, ayaw nya kainin😥
Ito ang mga simpleng challenges araw araw na nagpapasakit ng ulo at puso ko, yng hndi ko na alam paano ito tapusin😥
May nagsasabing “ipamigay mo na yan” huh hindi ganun kadali humanap ng taong may malasakit sa hayop, ng taong ituturing silang pamilya. Ang hirap din humanap ng mag aampon😥 dahil mga rescue stray Aspin at Puspin, hndi ganun ka healthy at cute sa ini expect ng iba.
May plan A ako, Minsan naiisip ko na lng pakawalan mga pusa😥 yng mga kapon na dalhin ko sa dati nilang pinang galingan. Sanay nman sila maghanap ng pagkain🥺 kesa dito nka cage lng sila, sama sama 5-6 cats isang high cage, chill at relax lng ang iba, maganda at matataba, pero may iba nmamayat, malungkot, nalalagas balahibo naiistress😥😥 walang purpose ang buhay nkakaawa💔😭 para silang mga nsa prison kain tulog hntay kelan matatapos ang buhay💔😭parang hindi ko ba mahintay kelan sila maging tunay na malaya at tanggapin as community pets😥. Naaaning na yata ako npaka imposible ksi mangyari😥Baka may gusto mag ampon mga miming marami tayong for adoption mga npakapon na rin, Sta Rosa Laguna location, wait lng isip pa ako ng plan B.
Mga a*o sa enclosure parang nsa outside world, halos walang nkikita sila sila nagkikitaan, nagiging curious at konting tunog or kalabog khit tunog ng sasakyan amoy ng ibang a*ong gumagala or pinakawalan ng owner at mga taong dumadaan or khit ibang pusa na lumulusot sa bakod naamoy nila, matalas pkiramdam malayo pa nagtatahulan na🥺oh sino di maaaning at mag overthink.