Bailey and Bulma Pet Supplies

Bailey and Bulma Pet Supplies Your one-stop shop for pampered pets! Quality gear, toys, and treats. Tail wags guaranteed!

22/04/2026

PABATID | Free Anti-rabies Vaccination at Deworming sa San Mateo, Rizal

Mayroong LIBRENG ANTI-RABIES VACCINATION para sa ating mga alagang hayop bukas ng Huwebes, ika-23 ng Abril 2026, sa Villa San Mateo I, Brgy. Guitnang Bayan I. Mayroon din ditong LIBRENG DEWORMING o pagpupurga para sa inyong mga fur babies.

MGA DAPAT TANDAAN:

Bago mabakunahan
1. Mga alagang hayop na nasa edad 3 buwan pataas lamang ang mga maaaring pabakunahan.
2. Walang sakit at hindi matamlay.
3. Hindi nakakagat sa loob ng 14 araw.
4. Hindi buntis.
5. Paliguan muna ang inyong mga alaga bago magtungo sa bakunahan.

Pagkatapos mabakunahan
1. Huwag paliguan ang inyong mga alaga sa loob ng 5 araw.
2. Huwag silang hayaang mapagod upang hindi sila mabinat.
3. Itago ang pet certificate na syang magsisilbing record para sa taunang pagbabakuna.

Hinihikayat natin ang mga may alagang aso’t pusa na samantalahin ang pagkakataon na ito para masiguro ang kalusugan nila.


Address

Ampid 1
San Mateo
1850

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bailey and Bulma Pet Supplies posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category