06/07/2021
Gabay sa Tamang pag-aalaga ng Sisiw.
MGA PALATANDAAN NA MAGANDA ANG KALIDAD NG SISIW :
- Timbang (Day Old) : 40 Grams and above
- Masiglang kumilos
- Maganda ang balahibo
- Tuwid ang tindig at hindi namimilay
- Walang naiwang ipot sa puwitan
* BROODING
- Kung gagamit ng artipisyal na painit kagaya ng mainit na uling siguraduhing maglagay ng thermometer sa loob ng kulungan upang masukat ang tamang temperatura na kailngan ng inyong mga alagang sisiw.
1 day old - 33 d. celcius
2 days - 32 d. celcius
3-7 days - 30 d. celcius
8-14 days- 26-28 d. Celcius
15 - 21 days 24- 25 d. Celcius
22 days pataas : 20 - 23 d. Celcius
- Kung bombilya ang gagamitin. Sundin ang 1 watt per head ex. 100 Heads = 100 watts gawin lang ito sa loob ng 1-15 days.
- Sa ika-16 na araw hanggang sa iharvest ay gumamit na lamang ng mas mababang wattage ng ilaw.
- Iadjust na lang ang wattage ng ilaw sa kung ano ang kinakailngan depende sa klima at panahon.
- Obserbahan na lang ang galaw ng sisiw kung wala kayong thermometer sa loob ng kulungan.
Mga patandaan kung nilalamig o naiinitan ang sisiw:
NORMAL : kalat-kalat at masigla ang kilos ng mga sisiw.
SOBRANG INIT : Nagsisiksikan sa sulok ng kulungan malayo sa ilaw o sa artipisyal na painit.
SOBRANG LAMIG : Mas madalas nagsisikan lamang sa tapat ng painit o pailaw na halos hindi na tumutuka.
* PATUKA
1 - 15 Days : Chickbooster Feeds
16 - 26 Days : Starter Feeds
27 Days to Harvest : Finisher Feeds
* INUMIN
1st Day : Maghalo sa tubig ng kahit anong klase ng Electrolytes, Dextrose powder, sugar etc. Para mabawasan ang stress ng sisiw lalo na kung malayo ang pinanggalingan.
2nd Day to 1 week : ( Bacterial Flushing) Maghalo sa painum ng Antibacterial water soluble powder.
8th day - Harvest : Multivitamins, Electrolytes, Amino Acids, Probiotics etc. Basta hindi antibiotics.
TANDA NG PAGKAKASAKIT:
- Pananamlay at bagsak ang pakpak
- Kawalan ng ganang kumain
- Nagluluhang Mata, sinisipon at may halak
- Basag o matubig ang dumi
- Nakakabahalang pagdami ng namamatay