23/08/2026
Isang linggo na ang nakalipas, we still canโt quite find the right words to express how truly grateful we are to see our cooperative slowly being recognized as one of the homegrown producers of La Union.
Napakalaking karangalan nito para sa amin, lalo naโt nagsisimula pa lamang kami bilang isang kooperatiba. Ang simpleng pagkilalang ito ay malaking inspirasyon para ipagpatuloy namin ang aming sinimulan at mas pagbutihin pa ang aming ginagawa.
Nagsimula ang KPC sa isang simpleng paniniwala: na ang pagtatanim, paggawa ng pagkain, at pagtutulungan sa komunidad ay may tunay na halaga at dignidad.
Lubos ang aming pasasalamat kay Abelle Joseph Don Barreda, our founder and Chairman of KPC, sa initiative, tapang, at paniniwalang simulan at buuin ang kooperatibang itoโna may layuning makalikha ng mas maraming oportunidad para sa ating mga magsasaka, producers, at kapwa sa komunidad.
Higit sa lahat, maraming salamat sa lahat ng members ng KPC. Kung hindi dahil sa suporta, oras, effort, at tiwala ng bawat isa, hindi tayo makakarating kung nasaan tayo ngayon. Marami pa tayong kailangang matutunan at pagdaanan, pero sa bawat maliit na hakbang, sama-sama tayong patuloy na umuusad.
Lubos din ang aming pasasalamat sa aming CDA Region 1 family, Mam Connie de Guzman at Mam Christine Joy, at sa aming LGU partner, Mam Sheina Abigail Valdriz, na mula pa sa simula ay walang humpay na gumagabay, sumusuporta, at naniniwala sa amin.
Maraming salamat din sa DTI, Mam Ayra Rose Fontanos Reyes at Michelle M. De Jesus, for making us part of the KMME Program. Malaking bahagi ito sa paghubog sa amin bilang isang lumalagong microenterprise at sa pagtuturo kung paano namin mas maayos na mapapatakbo, mapapalago, at maihahanda ang aming kooperatiba para sa mas malalaking oportunidad.
Sa DOST La Union, maraming salamat sa pagpapakita sa amin ng standards na kailangan naming abutin upang makapag-produce ng mas dekalidad at ligtas na produkto. Naging malaking gabay ito sa pag-improve ng aming production facility at sa pag-set ng mas malinaw na goals para maihanda ang KPC sa paglago.
At sa FabLab, Sir Raffy Espiritu, maraming salamat sa pagtulong sa final touches ng aming packaging, na naging bahagi rin ng pag-angat ng presentation at quality ng aming mga produkto.
At siyempre, maraming salamat sa lahat ng unang naniwala sa KPCโsa mga bumili ng aming produkto, nagbigay sa amin ng pagkakataon, nagbahagi ng kaalaman at payo, at patuloy na sumusuporta sa amin hanggang ngayon.
Ang feature na ito ay higit pa sa recognition para sa isang produkto o isang kooperatiba. Para sa amin, isa itong paalala na ang bawat maliit na hakbang, bawat pagkakamaling itinutuwid, bawat aral na natututunan, at bawat taong nagtutulungan ay may pinupuntahan.
Malayo pa ang lalakbayin ng KPC, pero sa bawat milestone tulad nito, napapaalala sa amin kung gaano na rin kalayo ang ating narating.
Maraming salamat, Provincial Government of La Union, sa pagkakataong maibahagi ang kuwento ng Katuparan at maipakita ang mga produktong bunga ng sipag, pagtutulungan, at paniniwala ng aming mga miyembro.
Patuloy naming gagawin ang aming bahagi upang makalikha ng mga produktong maipagmamalaki natin bilang mga taga-La Union, suportahan ang lokal na produksyon, at makapagbukas ng mas maraming oportunidad para sa ating mga magsasaka, producers, at komunidad.
May dignidad sa pagtatanim.
May dignidad sa paggawa ng pagkaing Pilipino.
Ako ang Katuparan. Tayo ang Katuparan. ๐ฑ