16/03/2026
🐐 Rural Vet in Action: Cesarean Section sa Kambing na may 4 na anak. 🩺
Isang emergency case ang naresolba matapos tawagin ang isang rural veterinarian para sa kambing na hirap manganak. Dahil sa dystocia (hirap sa panganganak), kinailangan ang Cesarean Section upang mailigtas ang inahin at ang mga anak neto.
Sa operasyon, matagumpay na nailabas ang apat (4) na malulusog na kambing mula sa inahin. Ang mabilis na aksyon at tamang veterinary procedure ang naging susi upang maging ligtas ang ina at mga anak.
📚 Educational Reminder para sa mga Goat Raisers:
🔎 Mga senyales ng hirap sa panganganak (dystocia):
• Mahigit 30–60 minuto nang umiiri ang kambing pero walang lumalabas
• May nakikitang paa o ulo ngunit hindi mailabas
• Mahina na o pagod na ang inahin
• May abnormal na posisyon
🩺 Kailan kinakailangan ang Cesarean Section?
Kapag hindi na kayang mailabas ang kambing sa normal na paraan dahil sa:
• maling posisyon
• masyadong maraming
• malalaki
• makitid na birth canal ng inahin
💡 Mahalagang Paalala:
Ang maagang pagtawag sa beterinaryo ay nakakatulong upang maiwasan ang pagkamatay ng inahin at ang mga anak neto. Ang tamang veterinary care ay mahalaga upang mapanatiling malusog ang inyong alagang hayop at maprotektahan ang kabuhayan ng magsasaka.
👏 Isa na namang patunay na ang Rural Vet ay laging handa sa serbisyo para sa komunidad at sa kalusugan ng mga alagang hayop.