26/06/2026
❗️Uso nanaman ang PARVO and BLOOD PARASITISM ngayon!❗️
🙋🏼♀️So plss furmoms, PREVENTION is better than CURE.
Malaki ang matitipid natin kung kinokompleto natin ang bakuna at deworming ng ating mga alagang hayop, kung ina-updated ang kanilang booster shots pati narin ang mga pang anti-tick and fleas meds (oral, shampoos, spray, powder, or spot-on)❤️
'KUMAKAIN PA NAMAN' 'NAKIKIPAGLARO PA NAMAN'
Doesn't mean they'll 100% survive once natamaan na ng ganitong mga sakit.
Isa eto sa nagiging struggle ng mga vets ngayon. Saka niyo lang naiisipan idala ang mga furbabies kapag malala na ang kalagayan, And if they didnt make it, the blame is on the vets. Na kesyo malakas pa nung dinala niyo (pero PLT, RBC, WBC & HGB is very high or very low) 💔
WALANG DOCTOR NA GUSTONG MAMATAYAN NG PATIENTE! ❣️❣️
We also have sleepless night kakaaral paano gagaling yung patiente na ayaw niyong iproceed sa lab tests, ayaw niyong ipaconfine, ayaw niyong ipaswero kahit wala ng appetite, pero gusto niyong gumaling.🤷🏻♀️
And please Hindi porket naging mabait ang vet at pinayagan na utangin niyo ang products and services eh hindi na kayo magbabayad. We also have bills to pay, rent, products and machines na kailangan bayadan, staffs na sasahudan.
[wala po akong kaaway, public awareness lang 😘]
[Ang mga larawan ay walang kinalaman sa utang, just pictures of sick furbabies]