01/09/2020
Ang buwan ng Setyempre ay World's Rabies Awareness Month.
Bilang pakikiisa, nais naming magbahagi ng impormasyon tungkol sa sakit na ito.
1. Ano ang rabies?
✅ Ang rabies ay isang virus na nakukuha sa kagat, kalmot o direktang pagdikit sa laway ng rabid na aso o pusa. Ito ay pwedeng makahawa sa tao.
2. Mas malakas ba ang rabies kapag tuta o kuting?
✅ Hindi po. Hindi inborn ang rabies sa aso at pusa. Makukuha lamang ito pag ang inyong alaga ay nakagat o nakalmot ng isang rabid na aso o pusa.
3. Paano maiiwasan ang rabies?
✅ Ang alagang tuta o kuting ay maaaring pabakunahan ng antirabies kapag sila ay edad tatlong buwan pataas. Ito ay inuulit kada taon.
4. Ano ang maaring gawin kapag nakagat ng aso?
✅ Hugasan at sabunin ang sugat sa loob ng 15 minuto para makasiguradong matangal ang laway ng aso.
✅ I-disinfect ang sugat gamit ang alcohol at iodine (Betadine).
✅ Pumunta sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center at kumonsulta sa Doktor.
5. Ano ang gagawin sa asong nakakagat?
✅ Itali muna o ikulong ang asong nakakagat at obserbahan ito sa loob ng 14 araw. Wag po itong patayin.
✅ Kapag biglang namatay ang aso sa loob ng 10-14 araw, kumunsulta agad sa Beterinaryo upang magabayab kung ano ang dapat gawin para makumpirma kung ang aso ay positibo sa rabies.
Kung may katanungan, tumawag o magtext sa aming numero 09266415487.
Reference: Bureau of Animal industry