06/06/2026
πππππ§ π πππππ§ ππ‘π ππ¦π’ π π’, πππ£ππ§ π‘πππ-ππππ¦π π¦π π£ππ π£π¨πππππ’π‘π ππ¨πππ₯.
βMabait naman siya.β Isa ito sa mga pinakakaraniwang dahilan kung bakit pinapayagang gumala ang mga a*o sa pampublikong lugar nang walang leash o tali. Ngunit, kahit mabait at masunurin ang iyong a*o, maaari pa rin siyang mabigla, maligaw, o mapahamak.
Sa ilalim ng Anti-Rabies Act of 2007 (RA 9482), hindi dapat hayaang gumala ang mga a*o nang walang leash sa mga pampublikong lugar. Ang mga pet owner na lumalabag dito ay maaaring pagmultahin ng β±500 sa bawat insidente.
Ang paggamit ng leash ay hindi lamang tungkol sa pagsunod sa batas. Isa rin itong paraan ng paggalang at pagbigay ng konsiderasyon sa mga tao at hayop sa paligid natin.
Maaaring may makasalubong kayong community cats, ibang a*o, bata, o taong takot sa a*o. May mga a*ong nagiging reactive o agresibo sa ibang hayop, at may mga pusang maaari ring manakit kapag natakot o nakaramdam ng panganib. Kapag naka-leash ang a*o ninyo, mas madali siyang kontrolin, mailayo sa panganib, at protektahan mula sa hindi inaasahang sitwasyon.
Kung ang iyong a*o ay nasa loob ng sariling bakuran, private property, o isang private off-leash dog park/play area kung saan pinapayagan ang off-leash activity, maaari silang hindi naka-leash basta ligtas, kontrolado, at hindi makakalabas o makakaabala sa iba.
Bilang pet owners, responsibilidad nating panatilihing ligtas ang ating mga alagang hayop, ang ibang hayop, at ang komunidad π