Writeruel ツ

Call Directions

Writeruel ツ Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Writeruel ツ, Pila.

When you're tired, just close your eyes and pray until your tears fall down. remind yourself, "I deserve happiness and p...
20/05/2026

When you're tired, just close your eyes and pray until your tears fall down. remind yourself, "I deserve happiness and peace not sadness and despair". Be strong and win your silent battles. You can make it because God is always by your side.

Laban lang ka-tatay. God’s got you, and so does your family. 🧔🖤

Ayos Lang MaantalaMasyado pang maaga,Para isipin ang mga bagay na wala pa.Nauna lang ang iba—Pero hindi ibig sabihin nit...
09/05/2026

Ayos Lang Maantala

Masyado pang maaga,
Para isipin ang mga bagay na wala pa.
Nauna lang ang iba—
Pero hindi ibig sabihin nito'y nahuhuli ka na.

Ayos lang maantala,
Kaysa sa mabilis dumating subalit pansamantala.
Dahan-dahan lang pero sigurado—
Darating ang kuwentong para sa’yo.

Ika-9 ng Mayo 2026

Mabuting 'Di Nila AlamMarahil, mas mabuting hindi nila alam.Kung anong ganap mo't plano sa buhay—May kapayapaan sa ganit...
18/04/2026

Mabuting 'Di Nila Alam

Marahil, mas mabuting hindi nila alam.
Kung anong ganap mo't plano sa buhay—
May kapayapaan sa ganitong paraan.
Ang huwag sabihin ang lahat.

Kung alin ang una at huli,
Kung anong kuwento na aking binubuhat—
Mananatiling misteryo ang aking pagkatao.
Ako'y gaya ng saradong baul na may oras para buksan—

Hahayaang lamang yabangan,
Gaya rin ng dagat, kalmado't tahimik pero delikado at totoo—
Sa puntong ito, ganito na lang ang aking gusto.

Hindi nila magigiba ang isang bagay na wala silang alam—

Ika-17 ng Abril 2026

Pamilya ko, Pipiliin koNi: Ruel NecesitoHindi na binata kaysa noon, Iba sa kinalakihan kong mundo.Pagkat ako ay padre de...
01/01/2026

Pamilya ko, Pipiliin ko
Ni: Ruel Necesito

Hindi na binata kaysa noon,
Iba sa kinalakihan kong mundo.
Pagkat ako ay padre de pamilya—
Espesyal kita.
Tagapagtanggol mo't uunahin ko.
Ako'y matatag gaya ng semento,
Ako'y may pundasyong hindi guguho.
Sa hampas ng ating alo't bagyo.

Ako'y ilaw ng tahanan,
Nilisan ko ang dati kong mundo.
Para piliin ang bagong apelyido.
Handa kong ipaglaban ang lugar nyo ng anak natin sa aking puso—
Ipagtatanggol kita,
Kung ika'y iinsultuhin ng kahit sino.
At ipaparamdam ko't ibubulong
"Laban tayo, kasama mo 'ko"

Kung hindi ikaw ang kakampi ko?
Sino pa kaya?
Ikaw ang nag-iisang partner ko—
Higit sa pamilya o kaninoman.
Dahil sa lahat ng bagay ikaw lang ang karamay ko't aking palagi hanggang dulo.
Asawa ko.

Ika-1 ng Enero, 2026

Address

Pila
4010

Telephone

+639358136993

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Writeruel ツ posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share