28/09/2026
Worms (Bulate)
●weaken a dog's immune system
~ kung may bulate and inyong mga alaga , mas makikitaan na mas mahina at lapitin sila ng mga sakit.
Isa sa mga dahilan ay nagiging kaagaw ng nutrisyon sa katawan ang mga parasitiko na ito(worms) , ang proseso ay nagsisimula sa bituka kung san sinisira nila ang normal na proseso ng katawan sa pagkuha ng sustansya sa kinakain. Dito rin nagsisimula ang mga sakit dahil sa paghina ng katawan mas magiging mahina sa mga sakit ang alaga natin.
Kaya mainam na sundin ang deworming program o pagpupurga sa mga alaga. Maiiwasan na ang mga possibleng sakit at mas mapapalakas na ang resistensya nila.
Magtanong lang po para sa mga karagdagang impormasyon sa pinakamalapit ninyong Beterinaryo.