20/01/2026
Just Sharing for Reference sa mga Ka Amazing Birds Friends...
Paanu tayo makaka kuha ng DENR permit...
Certificate of Wild Life Registration para maging legal ang pag aalaga at pag paparami ng ating ibon ng naayon sa Regulasyon...
1. Need natin makabile ng ibon, pares, sa seller na meron Wild Life Farm Permit to Sell....
2. Issuehan tayo ng Official Receipt na naka indicate ang WFP details, at ng nabiling ibon...
3. Kailangan natin dalhin ang ibon, kasama ng OR sa DENR, mag fill up ng kaukulang form sa taga DENR Wild Life resources permitting section.
4. Mag bayad ng kaukulang CWR permitting fees. Maliit na halaga, yun sa akin wala pa Php 100 pesos sa isang pair.
5. Matapos ang pag aapply, iaadvise po ng taga DENR na hintayin ang tawag mula sa kanila upang actual na maverify ang lokasyon ng ibon sa inyong lugar.
(Video Call).
6. Matapos ito, isubmit ang mga larawan ng lokasyon, kuha ng ibon sa kulungan sa inyong kausap na DENR.
7. Hintayin ang tawag mula sa DENR ukol sa pag release ng inyong Wild Life Certificate documents.
8. Maari na tayo mag alaga at mag parami ng naayon sa regulasyon ng DENR...
Disclaimer: ito po ay base sa aking pangsariling experience at kaalaman bilang isang mag iibon na sumunod sa tamang proceso at nakakuha ng CWR sa ahensya ng ating DENR...
Madali lang syang gawin, kung talagang mahal natin ang ating mga alagang ibon...
Salamat po