Pasay City Veterinary Office

Pasay City Veterinary Office This page aims to implement RAs 9482, 8485, and 9147, this page aims to educate the Pasayen

🐾 SPAY • NEUTER • ANTI-RABIES VACCINATION DRIVE 🐾  Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month, matagumpay na...
25/03/2026

🐾 SPAY • NEUTER • ANTI-RABIES VACCINATION DRIVE 🐾
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Rabies Awareness Month, matagumpay na naisagawa ang Spay & Neuter Activities kasabay ng Anti-Rabies Vaccination noong March 12 at March 21, 2026.

Sa pakikipagtulungan ng PETA Philippines at GSIS Pet Animal Welfare Society, patuloy na isinusulong ang kalusugan ng mga alagang hayop at ang kaligtasan ng komunidad laban sa rabies.
Kabuuang 300 na alagang a*o at pusa ang nakapon, at nabakunahan dahil sa proyektong ito.

✨ Bakit mahalaga ito?
✔️ Nakakatulong ang kapunan sa pagkontrol ng populasyon ng a*o at pusa
✔️ Nakakaiwas sa sakit at nagpapahaba ng buhay ng alaga
✔️ Ang anti-rabies vaccine ay proteksyon laban sa rabies – isang sakit na maaaring makamatay ngunit kayang maiwasan
✔️ Responsableng pag-aalaga = ligtas na komunidad

🐶🐱 Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa programang ito.
Patuloy tayong magtulungan para sa isang mas malusog at rabies-free na komunidad.

ANTI RABIES DRIVE BILANG PAKIKIISA SA NATIONWIDE SIMULTANEOUS ANTI RABIES VACCINATION AT RABIES AWARENESS MONTH NGAYON M...
14/03/2026

ANTI RABIES DRIVE BILANG PAKIKIISA SA NATIONWIDE SIMULTANEOUS ANTI RABIES VACCINATION AT RABIES AWARENESS MONTH NGAYON MARSO, ISINAGAWA SA LUNGSOD NG PASAY SA PANGUNGUNA NG CITY VETERINARY OFFICE, at LOKAL NA GOBYERNO NG PASAY CITY🐾🐶🐱

Nakiisa ang Lungsod ng Pasay nitong March 11, 2026 sa SIMULTANEOUS ANTI RABIES VACCINATION bilang pagdiwang na din ng RABIES AWARENESS MONTH sa Barangay 201 Zone 20 upang tuloy tuloy ang kampanya laban sa Rabies, at pag promote ng RESPONSIBLE PET OWNERSHIP.

Ang tema ngayon taon ng Rabies Awareness Month ay: “Rabies-Free na Pusa't A*o, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino!”

Kabuuang 264 na A*o at 158 na pusa ang nabakunahan. Maraming salamat Responsible Pet Owners!

10/03/2026
Bilang pakikiisa sa Rabies Awareness Month, ang Pasay City Veterinary Office ay magsasagawa ng libreng Anti-Rabies Vacci...
06/03/2026

Bilang pakikiisa sa Rabies Awareness Month, ang Pasay City Veterinary Office ay magsasagawa ng libreng Anti-Rabies Vaccination Program para sa buong buwan ng Marso 2026.
Kaisa rin tayo sa Nationwide Simultaneous Anti-Rabies Vaccination Drive sa March 11, 2026 alinsunod sa adbokasiya ng Department of Agriculture at ng Bureau of Animal Industry na mapanatiling ligtas ang bawat komunidad laban sa rabies.

Ang kumpletong schedule at mga barangay na bibisitahin ay naka-attach sa post na ito.

Mangyaring tingnan ang larawan para sa eksaktong petsa, oras, at lugar ng pagbabakuna.

PAALALA SA MGA PET OWNERS:
• Dalhin ang inyong a*o na may tali at maayos na kontrol. Para sa mga pusa, maigi itong nasa maayos na pet carrier.
• Siguraduhing malusog ang alagang hayop sa araw ng pagbabakuna.
• Magdala ng vaccination card kung mayroon na.
• Hindi maaaring bakunahan ang mga sumusunod:
- Mga alagang Tatlong (3) buwan ang edad pababa
- Buntis o nagpapadedeng alaga
- May sakit o kasalukuyang ginagamot
- Nakakakagat sa loob ng 14 na araw, o may sintomas ng kahit anong sakit
• Huwag paliguan ang alaga sa loob ng 7 araw pagkatapos mabakunahan.

Ang rabies ay 100% na maiiwasan ngunit 100% na nakamamatay kapag hindi naagapan. Sama-sama nating protektahan ang ating pamilya at komunidad sa pamamagitan ng responsableng pag-aalaga at regular na pagpapabakuna.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa Pasay City Veterinary Office 02-88341176 o mag email sa [email protected].

Magpabakuna. Maging responsable. Sugpuin ang Rabies!
“Rabies-Free na Pusa at A*o, Kaligtasan ng Pilipino!”

26/02/2026
01/02/2026
PUBLIC ADVISORY: RENEWAL OF BUSINESS PERMIT EXTENDEDPinalawig ng Pamahalaang Lungsod Pasay batay sa direktiba ng Ina ng ...
20/01/2026

PUBLIC ADVISORY: RENEWAL OF BUSINESS PERMIT EXTENDED

Pinalawig ng Pamahalaang Lungsod Pasay batay sa direktiba ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano ang deadline ng Renewal ng Business Permit hanggang Enero 30, 2026.

Ipinagpapaliban ng extension na ito ang lahat ng penalty, surcharge at interest batay sa umiiral na batas at regulasyon ukol dito.

Ang pagproseso ng Renewal ng Business Permit ay ginaganap sa Double Dragon Plaza mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon kasama ang Sabado.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1181277844178924&id=100068901592346

PUBLIC ADVISORY: Extension of Business Permit Renewal

Address

Don Carlos Revilla Street
Pasay City
1300

Opening Hours

Monday 7am - 4pm
Tuesday 7am - 4pm
Wednesday 7am - 4pm
Thursday 7am - 4pm
Friday 7am - 4pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pasay City Veterinary Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category