My Pets TV

My Pets TV • Writer/ Creative
• Pets Enthusiasts
• Minimalist

HULI NA, NAGING BATO PAAyon kay NBI Director Melvin Matibag, tila wala umanong balak sumuko ni Sen. Ronald “Bato” dela R...
23/05/2026

HULI NA, NAGING BATO PA

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, tila wala umanong balak sumuko ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos itong muling mamataan sa Senado ngunit kalaunan ay biglang nawala sa publiko.

Matatandaang dumalo si Dela Rosa sa Senado noong Mayo 11 kasabay ng pagpapalit ng liderato, ngunit noong Mayo 14 ay umalis ito at hindi na muling nakita. Dahil dito, umugong ang iba’t ibang espekulasyon hinggil sa kaniyang posibleng kinaroroonan habang kinahaharap ang isyu ng umano’y arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Nagbitiw pa ng pahayag si Matibag na, “Huli na, naging bato pa,” bilang reaksiyon sa pagkawala muli ng senador matapos itong makita sa Senado.

REP. PERCI CENDAÑA: NALABAG NI ROBIN PADILLA ANG BATAS NG ICC SA PAGTULONG KAY BATO Nanawagan si Akbayan Rep. Perci Cend...
23/05/2026

REP. PERCI CENDAÑA: NALABAG NI ROBIN PADILLA ANG BATAS NG ICC SA PAGTULONG KAY BATO

Nanawagan si Akbayan Rep. Perci Cendaña ng imbestigasyon laban kay Sen. Robin Padilla matapos nitong aminin na isinabay niya sa sasakyan si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa palabas ng Senado noong Mayo 14.

Ayon kay Cendaña, maaaring may paglabag umano sa Article 70 ng Rome Statute ang naging aksyon ni Padilla dahil sa posibleng paghadlang sa pagpapatupad ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

“Na-violate niya ang Article 70 ng Rome Statute on offenses against the administration of justice dahil sa pag-obstruct niya sa enforcement ng ICC warrant,” ani Cendaña.

Nauna nang sinabi ni Padilla na wala umano siyang tinulungang “pagtakas” at normal lamang umano silang umalis ng Senado ni dela Rosa nang walang layuning umiwas sa mga awtoridad.

Magandang balita para sa mga Tanzeño dahil malapit nang ilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Tanza ang programang libreng sak...
23/05/2026

Magandang balita para sa mga Tanzeño dahil malapit nang ilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Tanza ang programang libreng sakay para sa publiko.

Ayon kay Tanza, Cavite Mayor SM Matro, kasalukuyan nang bumibili ang lokal na pamahalaan ng mga e-jeep na gagamiting libreng transportasyon para sa mga mamamayan ng bayan.

Sa ilalim ng naturang programa, magkakaroon din ng point-to-point terminal system kung saan magsasakay at magbababa ng mga pasahero ang mga e-jeep sa iba’t ibang bahagi ng Tanza upang mas maging maayos, mabilis, at organisado ang biyahe ng mga residente.

Layunin ng programang ito na makatulong sa gastusin sa pamasahe ng mga mamamayan at makapagbigay ng mas komportable, ligtas, at maayos na pampublikong transportasyon para sa bawat Tanzaño.

Sa ngayon ay nasa proseso pa lamang umano ng pagbili ng mga e-jeep ang lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa nalalapit na pagpapatupad ng programa.

“BIHIRA ITONG SENADO NA ITO” Inilarawan ni Sen. Ping Lacson bilang “bihira” ang kasalukuyang Senado dahil sa dami ng kon...
23/05/2026

“BIHIRA ITONG SENADO NA ITO”

Inilarawan ni Sen. Ping Lacson bilang “bihira” ang kasalukuyang Senado dahil sa dami ng kontrobersiya at kasong kinahaharap ng ilang mambabatas, kabilang ang mga usaping may kaugnayan sa plunder, mga kaso sa Department of Justice, at mga usapin sa international court.

FOREIGN, INTERNATIONAL O DOMESTIC COURT, WARRANT OF ARREST AY WARRANT OF ARREST — LACSONNagbigay ng matapang na pahayag ...
23/05/2026

FOREIGN, INTERNATIONAL O DOMESTIC COURT, WARRANT OF ARREST AY WARRANT OF ARREST — LACSON

Nagbigay ng matapang na pahayag si Sen. Ping Lacson kaugnay ng kontrobersyal na usapin tungkol sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Ayon kay Lacson, hindi dapat maliitin o balewalain ang anumang warrant of arrest dahil ito ay may legal na bigat, saan mang hukuman ito nagmula — maging foreign court, international court, o lokal na korte sa Pilipinas.

“A warrant of arrest is a warrant of arrest, whether it was issued by a foreign court, international court, or domestic court,” ani Lacson.

Ang pahayag na ito ay naging sentro ng mainit na diskusyon ukol sa kapangyarihan ng ICC at sa legalidad ng pagpapatupad ng international warrants sa bansa. Habang may mga grupong naniniwalang dapat igalang ang international law at obligasyon ng Pilipinas, mayroon ding mga tumututol at nagsasabing dapat manaig ang soberanya ng bansa.

Patuloy namang binabantayan ng publiko ang magiging epekto ng usaping ito sa pulitika, batas, at relasyon ng Pilipinas sa international community.

Nagsampa ng kasong perjury si Atty. Mans Carpio, mister ni Sara Duterte, sa Pasig City Regional Trial Court laban kay An...
23/05/2026

Nagsampa ng kasong perjury si Atty. Mans Carpio, mister ni Sara Duterte, sa Pasig City Regional Trial Court laban kay Antonio Trillanes dahil umano sa mga maling pahayag at paratang nito laban sa kanya at sa pamilya Duterte sa pagdinig ng House Justice Committee kaugnay ng impeachment complaint.

Kabilang umano sa mga ibinintang ni Trillanes ang pagkakaroon daw ng hidden wealth ng mag-asawa at ang pagkakadawit ng pamilya Duterte sa ilegal na droga sa bansa.

Kaya naman, kapag napatunayang guilty si Trillanes sa kaso, posibleng mas mauna pa siyang makulong kaysa matupad ang hangarin nila ng ilang anti-Duterte congressmen na ma-impeach si VP Sara. At kung sakaling hindi pa ma-impeach ang bise presidente, maaari pa rin itong tumuloy sa pagtakbo sa 2028 presidential election. Saklap naman niyan para sa mga kalaban niya.

LACSON NANGAKONG IBABALIK ANG TIWALA NG PUBLIKO KUNG MABABAWI ANG MAYORYANaniniwala si Senador Panfilo “Ping” Lacson na ...
23/05/2026

LACSON NANGAKONG IBABALIK ANG TIWALA NG PUBLIKO KUNG MABABAWI ANG MAYORYA

Naniniwala si Senador Panfilo “Ping” Lacson na panahon na upang maibalik ang dignidad, kredibilidad, at tiwala ng taumbayan sa Senado. Sa gitna ng mga isyung bumabalot sa mataas na kapulungan, sinabi ni Lacson na handa ang tinaguriang “Mythical 11” minority bloc na magsulong ng mas maayos, mas disiplinado, at mas transparent na pamumuno kung mababawi nila ang mayorya.

Ayon kay Lacson, hindi lamang politika ang dapat manaig kundi ang kapakanan ng sambayanan at integridad ng institusyon. Binigyang-diin niya na mahalagang maipakita muli sa publiko na ang Senado ay nananatiling matatag, may prinsipyo, at tunay na nagsisilbi para sa bayan.

“Ibangon natin ang Senado first and foremost sa paningin ng ating mga kababayan,” ani Lacson.

Para kay Lacson, ang pagbabalik ng respeto ng publiko ay magsisimula sa pananagutan, maayos na pamamahala, at pagkakaroon ng tunay na pagkakaisa para sa interes ng bansa.

“MAS MATAAS NA YUNG PAGTINGIN NG TAO SA HOUSE OF REPRESENTATIVES”“PUTIK NA PUTIK NA ANG SENADO”Inamin ni Sen. Ping Lacso...
23/05/2026

“MAS MATAAS NA YUNG PAGTINGIN NG TAO SA HOUSE OF REPRESENTATIVES”

“PUTIK NA PUTIK NA ANG SENADO”

Inamin ni Sen. Ping Lacson na dumating sa punto na naisip niyang magbitiw bilang senador dahil sa mga kontrobersiyang bumabalot sa Senado. Ayon sa kanya, nakakalungkot umanong isipin na mas mataas na ngayon ang tingin ng publiko sa House of Representatives kaysa sa Senado dahil tila nawawala na ang kredibilidad at dignidad ng institusyon.

“Mas mataas na yung pagtingin ng tao sa House of Representatives kesa sa Senado. Nakakalungkot ito. Minsan nag-iisip akong mag-resign eh. Plano ko na lang mag-resign as senator dahil sa nangyayari,” ani Lacson.

Dagdag pa niya, tila “putik na putik” na umano ang Senado dahil sa sunod-sunod na kontrobersiya at tanong ngayon kung nasaan pa ang redeeming value ng institusyon. Gayunman, sinabi rin ni Lacson na may pag-asa pa umanong maibalik ang integridad, reputasyon, at dignidad ng Senado matapos ang kanilang mga pag-uusap sa loob ng minority bloc.

“But then when we discuss among ourselves, kaming 11, nakikita namin na mayroong pag-asa na maibangon muli yung integridad, yung reputasyon, yung dignidad ng Senado.” |

GEN. TORRE: “WALA SA RULES OF ENGAGEMENT NG PNP ANG WARNING SHOT”Nilinaw ni dating PNP Chief Nicholas Torre III na hindi...
23/05/2026

GEN. TORRE: “WALA SA RULES OF ENGAGEMENT NG PNP ANG WARNING SHOT”

Nilinaw ni dating PNP Chief Nicholas Torre III na hindi umano pinapahintulutan sa ilalim ng Rules of Engagement ng Philippine National Police ang pagpapaputok ng “warning shot” sa anumang operasyon.

Ayon kay Torre, malinaw ang umiiral na polisiya ng PNP pagdating sa paggamit ng armas at kinakailangang nakabatay lamang ito sa legal na proseso, wastong protocols, at sitwasyong nangangailangan ng lehitimong paggamit ng puwersa.

“Wala sa rules of engagement ng PNP ang warning shot, bawal yun,” diin niya.

Dahil dito, muling naging sentro ng diskusyon online ang tamang pagpapatupad ng police procedures, lalo na sa mga operasyon at insidenteng may kinalaman sa peace and order. Marami rin ang nagpahayag ng kani-kanilang opinyon hinggil sa paggamit ng puwersa at pagsunod sa standard operating procedures ng kapulisan.

SEN. WIN GATCHALIAN SUPPORTADO NG MINORITY BLOCK NA MAGING NEXT SENATE PRESIDENT JUST IN: Nagpahayag ng suporta si Sen. ...
23/05/2026

SEN. WIN GATCHALIAN SUPPORTADO NG MINORITY BLOCK NA MAGING NEXT SENATE PRESIDENT

JUST IN: Nagpahayag ng suporta si Sen. Kiko Pangilinan kay Sen. Win Gatchalian bilang susunod na Senate President matapos umanong makita ng Solid Bloc 11 ang kanyang kakayahan sa pamumuno at paninindigan sa pagprotekta sa pondo ng bayan.

Ayon kay Pangilinan, napatunayan umano ni Gatchalian ang pagiging matatag at patas lalo na sa naging deliberasyon ng 2026 national budget kung saan ipinakita nito ang mahigpit na pagbabantay sa paggastos ng gobyerno.

Dagdag pa niya, mahalaga umano na ang mamumuno sa Senado ay may prinsipyo, kakayahan, at tapang upang tiyakin na mapupunta sa tama at kapaki-pakinabang na proyekto ang pera ng taumbayan.

Sa gitna ng mga usapin sa liderato ng Senado, maraming netizens at political observers ang nag-aabang kung sino nga ba ang tuluyang makakakuha ng sapat na suporta upang maging susunod na Senate President.

LANDFILL KUSANG NAGLIYAB DAHIL  SA SPONTANEOUS COMBUSTION?Matapos ang mahigit isang buwang pag-aalab, tuluyan nang idine...
23/05/2026

LANDFILL KUSANG NAGLIYAB DAHIL SA SPONTANEOUS COMBUSTION?

Matapos ang mahigit isang buwang pag-aalab, tuluyan nang idineklarang “fire-out” ang sunog sa Navotas Sanitary Landfill ayon sa pamahalaan at Bureau of Fire Protection. Nilinaw ni Ferdinand Marcos Jr. na walang naganap na sinadyang pagsunog o arson sa lugar, kundi dulot umano ito ng “spontaneous combustion” o kusang pagliyab sanhi ng matinding init at methane gas na naipon sa landfill.

PBBM OFFICIAL STATEMENT
"Wala tayong magagawa dahil alam naman ninyo 'pag tag-araw, talagang napaka-init. Sumisindi—lumiliyab pala nang mag-isa 'yan eh. Walang nagsindi. Basta't lumiliyab na lang mag-isa. Kaya ganyan po ang nangyari.”

Kasunod ng insidente at epekto nito sa kalusugan ng mga residente, tiniyak ng pamahalaan na paiigtingin ang monitoring, thermal scanning, at pagsusuri sa kalidad ng hangin at tubig upang hindi na muling maulit ang ganitong trahedya. Mahalaga rin umano ang mas maayos na waste management at mas mahigpit na environmental safety measures upang maprotektahan ang kaligtasan ng publiko.

Address

Naic Cavite
Naic
4110

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when My Pets TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to My Pets TV:

Share