08/12/2025
https://reptilinks.com/pages/videos
So, medyo madami nagtatanong, dahil na din sa hirap ng supply ng feeder rodents at dahil mas mahal pa sila sa manok 😅, kung papano ba pakainin ang alaga natin na ball python ng sisiw (di ko pa na try) o fresh chicken gaya nung last post ko. Bago tayo mag punta dun sa fresh chicken, check niyo muna itong mga videos dito sa Reptilinks. May mga matututunan kayo dito. Hindi ako familiar dito hanggang nabanggit sa akin ito ng kaibigan natin na si Boss Benedict ng Crediball Pythons Reptile Farm ilang taon na ang nakalipas.
Nasubukan ko na din gumawa ng sarili ko na links. Kung masearch niyo sa mga lumang post ko meron ako video ng bp na kumakain nito. Ang tatlong main observation ko ay (1) Hindi ko magawang masiksik yung ground meat sa casing. (2) Medyo mahirap siya ipakain sa ball pythons. (3) Pag masyado mahaba yung link ay iluluwa siya nung bp.
Dahil sa medyo nahirapan ako ipakain ang links na gawa ko sa bps ko ay hindi ko na ito tinuloy. Kung gusto niyo itry, pag aralan niyo mabuti. Panoorin niyo ang instructional videos dito sa website ng Reptilinks. Makakabili kayo ng casing(s) sa Shopee. Siguraduhin niyo lang na mainspect niyo ang laman ng package niyo bago kayo mag bayad dahil, base sa experience ko sa Shopee, pag nag bayad ka na at huli mo na nadiscover na mali ang pinadala sa iyo na item ay napakahirap makakuha ng refund. 2x na nagyari sa akin, 2x ako hindi na refund.
Best pa din talaga na rodents ang ipakain natin sa mga alaga natin na bps. Good luck sa mga may plano mag subok.
Snake Discovery Tries Reptilinks Unboxing Video (Thanks Professor H**p for Posting!) Reptilinks Promo Videos, Reviews, and User Submitted Videos: