27/09/2026
"Pahinga, Hindi Pagsuko"
Napagod ka, 'no?
Yung pagod na hindi lang katawan,
pati puso, pati kaluluwa.
Yung tipong gusto mo nang bitawan lahat,
kasi pakiramdam mo, wala nang saysay.
Pero makinig ka.
Kung pagod ka na,
hindi mo kailangang sumuko.
Matuto kang magpahinga.
Huminto ka saglit.
Huminga ka.
Umiyak ka kung kailangan mong umiyak.
Hindi kahinaan ang pagpapahinga.
Ang cellphone nga,
kapag nalolobat, sinasaksak.
Ikaw pa kaya?
Tao ka.
Napapagod. Nasasaktan.
Pero tandaan mo,
ang pahinga ay hindi pagtigil.
Pahinga lang,
hindi pagsuko.
Kaya ngayon,
magpahinga ka.
At bukas,
kapag handa ka na ulit...
Laban ulit.
---