16/09/2025
𝗕𝗔𝗖𝗞-𝗧𝗢-𝗕𝗔𝗖𝗞 𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗟 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘𝗦 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗢𝗚 𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗘 𝗢𝗙 𝗧𝗛𝗘 𝗣𝗥𝗢𝗩𝗜𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗩𝗘𝗧𝗘𝗥𝗜𝗡𝗔𝗥𝗬 (𝗢𝗣𝗩𝗘𝗧) 𝗔𝗧 𝗟𝗚𝗨 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗩𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗧 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗧𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘 𝟭𝟴!
Inaanyayahan ang lahat ng fur parents at animal caretakers sa isasagawang back-to-back animal services ng Office of the Provincial Veterinary (OPVET) katuwang ang Municipal Agriculture Office ngayong Huwebes, ika-18 ng Setyembre sa Barangay Banaoang Covered Court mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.
Magkakaroon ng libreng anti-rabies vaccination para sa mga alagang a*o at pusa kasabay ng libreng deworming at vitamin injection para naman sa malailiit at malalaking ruminant gaya ng kambing, baka at kalabaw.
Prayoridad ang mga residente ng Brgy. Banaoang para sa isasagawang libreng anti-rabies vaccination. Samantalang, bukas naman sa kalapit na barangay ang bakuna para sa mga ruminant animals.
Antabayan naman ang mga susunod pang iskedyul sa Public Information Office - Mangaldan, Pangasinan.
(𝑴𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒅𝒂𝒏𝑷𝑰𝑶)