24/04/2026
Sana naman naiisip din ng pet owners na kelangan pagisipan mabuti before owning pets.
Context:
Nirecommend na pasweruhan ayaw, naghahanap ng other “options” at nagrefuse. 2 days nagobserve bago ipavet. Nagtest kit ng distemper nagpositive ayaw maniwala. Kayo pa magself diagnose, convulsions daw. Nung sinabi ang bill kung magkano paswero, sasabihin wala magdadala ulit sa patient kinabukasan. (Dahil hindi nagcoconfine ng distemper kasi pwedeng makahawa sa ibang patients at walk in).
Nung nagseizure di naman niyo dinala at binalik.
Ang sabi ng owner nung bumalik (bumalik nung namatay na ang patient para sisihin lang ang vet) bakit daw Hindi sila pinilit at pinush na pasweruhan yung patient? So kelangan namin kayo pilitin?
San po ba kami lulugar? Kung irerecommend ang treatment, irerefuse niyo. Pag namatay, samin pa din ang sisi. At magrarant sa facebook na para bang exemplary pet owners sila at ginawa nila lahat para sa pet nila.
So kasalanan namin na naghintay kayo ng 2 days na hindi kumakain saka niyo pinavet, tapos nagrefuse magpaswero at hindi updated ang bakuna?
NagSorry po si doc hindi dahil kasalanan niya kundi dahil kelangan niya na pa sabihin na mamatay ang patient pag di niyo pinagamot at kelangan pa kayo konsensiyahin bago kayo magisip na pasweruhan yang a*o niyo at ipagpilitan pa na kelangan niya magamot.
Sana sa susunod maisip niyo na may kasalanan din kayo. Kung mag-aalaga, ready ang budget at responsible magpagamot. Mahirap mag-alaga ng pet. Bukod sa masakit sa bulsa, constant effort ang kelangan para maging healthy sila at pag may sakit , effort ang pagpunta sa vet.
So much for responsible pet ownership talaga. These days, lagi kami nakakameet ng owners na ganito. Then ibblame ang vet.
Andaming pet owners opposite naman, gagawin lahat at ipapangutang pa ma-save lang ang pinakamamahal na alaga. At both cases, kelangan namin harapin ang client. Di kami namimili, kasi ang sinisave naman namin ay mga patients namin. At depende na yun sa pet owner, if makikinig din siya at iaallow niya.
We treat pets. And we also have to deal with these type of clients. At the end of the day, gusto namin lahat ng pumapa*ok na patients gumaling. Hindi kami nagrereccommend ng treatment dahil trip lang namin. We based it on the tests we do. Hindi din kami magtuturok ng gamot na walang basis. Bakit naman kami magtuturok ng ikakasama ng patient namin di ba?
Video below:
Not related to the case. Pero emergency case namin, si Piper na nirush agad ng owner na napansin lang na iba ang behavior ng pet niya. Naxray and diagnose agad ng GDV. Kelangan agad isurgery, kasi kung hindi puwede mamatay ang patient. Nag-agree agad ang owner kahit nalaman na more than 30k magagastos.
See the difference.
God bless all the veterinarians na nakakaranas ng ganitong scenerios.