Mystic Dream Brahma

Mystic Dream Brahma Philippine-based brahma chicken breeder sharing my experience raising them.

Dedicated to breeding Brahma Chickens
My focus for now: Gold Partridge & Salmon
πŸ“ Based in Ilocos Norte, PH | 077
πŸ“¦ Nationwide shipping via pet transport
Experience the dream of owning the giants.

28/04/2026

Meron na naman tayong aabangan hanggang sa makalaki ang mga ito. Bawat feather na tutubo o mag-molt, bawat pulgada na itatangkad nila, lahat yan ay kwento ng pasensya at pag-aalaga.
Sali kayo sa journey guys o share mo din sa iba itong post para may inspirasyon sila. Salamat!

Wala ako sa karera ng pasikatan. Ang laban ko ay para sa susunod na henerasyon ng aking mga alaga. My only goal is to ou...
26/04/2026

Wala ako sa karera ng pasikatan. Ang laban ko ay para sa susunod na henerasyon ng aking mga alaga. My only goal is to outdo my current best.

Hindi masamang mainggit sa ganda ng manok ng iba, basta gamitin mo yang inspirasyon para mas pagbutihin ang sarili mong ...
24/04/2026

Hindi masamang mainggit sa ganda ng manok ng iba, basta gamitin mo yang inspirasyon para mas pagbutihin ang sarili mong linyada. Huwag maging hater, maging achiever. Ang tunay na breeder, natututo sa galing ng kapwa para mas lalong mag-level up ang sariling mga alaga.

Walang shortcut sa tagumpay. Tulad ng pagpapalaki sa kanila, kailangan ng mahabang pasensya, tamang gabay, at pusong hin...
21/04/2026

Walang shortcut sa tagumpay. Tulad ng pagpapalaki sa kanila, kailangan ng mahabang pasensya, tamang gabay, at pusong hindi sumusuko.

17/04/2026

Huwag basta magpabudol sa larawan lamang. Kahit ako na may background sa photography, sasabihin ko sa inyo: Ang pagpili ng manok ay parang pakikipag-date. Huwag lang tumingin sa profile picture, hingi ka rin ng video (cull) at alamin ang background. 😜

Speaking of background, wala na rin music para di hype masyado. Baka madala ka na naman at magmensahe sa akin. πŸ˜…

13/04/2026

Dati, pangarap lang ang magkaroon ng ganito ka-rare na kulay. Akala ko malabo, pero sa tamang tiyaga at dedikasyon, nandito na. Ang ating kauna-unahang Lavender Brahma. Isang patunay na walang imposible basta may vision. Huwag susuko, ka-Brahma! Ituloy lang ang pag-breed ng may puso at kalidad. Puso ang puhunan, tagumpay ang hangganan!

"Bakit ka ba nag-aaksaya ng oras sa manok?" Madalas nating marinig yan. πŸ™„Pero hindi nila alam ang pakiramdam ng makabuo ...
11/04/2026

"Bakit ka ba nag-aaksaya ng oras sa manok?" Madalas nating marinig yan. πŸ™„

Pero hindi nila alam ang pakiramdam ng makabuo ng isang bloodline na ikaw mismo ang nag-isip. Hindi nila alam ang saya ng makita ang bunga ng iyong "Selection Process." Ito ay para sa mga taong nakakakita ng sining sa bawat balahibo.

Proud breeder ka ba? I-comment ang "PROUD" kung isa ka sa amin na naniniwalang ang pagmamanok ay isang marangal na passion!

Sabi nila, 'Manok lang yan!'. Pero para sa akin, bawat balahibo at laki ng katawan ay may kwento. Akala mo pareho, pero ...
06/04/2026

Sabi nila, 'Manok lang yan!'. Pero para sa akin, bawat balahibo at laki ng katawan ay may kwento. Akala mo pareho, pero may pagkakaiba depende sa tumitingin. Ang simpleng pagkuha ng larawan sa kanila ay simbolo ng aking pagmamahal sa aking mga alaga. Ito ay para makita ko kung may pagbabago sa selection at breeding na aking ginagawa. Passion over everything! Kayo, kumusta ang dedikasyon niyo sa inyong mga alaga?

Ang matagal na nating inaasam na reveal ay narito na. Silipin ang bagong kulay na magbibigay ng kakaibang ganda sa ating...
01/04/2026

Ang matagal na nating inaasam na reveal ay narito na. Silipin ang bagong kulay na magbibigay ng kakaibang ganda sa ating koleksyon. Ito ang aking ! Sobrang ganda ng kulay ng mga balahibo niya. Bagama't marami pa tayong kailangang i-improve, siya ang magsisilbing foundation breeder natin. Layunin nating mas mapatingkad at mapaperpekto pa ang Lavender line ng ating mga Brahma sa susunod na henerasyon.
- - -

30/03/2026

Share ko lang itong alaga kong Salmon Brahma. Mula 5 months na dati nating pinost, heto na siya ngayon sa kanyang 10th month.
Kita niyo naman ang laki ng pinagbago. Mas lalong bumulas at kumapal ang balahibo. Binata na talaga! Apat na buwan na lang, ganap na adult na ito at handa na sa "chicks." πŸ˜‰

Gone but not forgotten. πŸ•ŠA look back at this beautiful Gold Partridge Brahma hen. She was supposed to be the foundation ...
27/03/2026

Gone but not forgotten. πŸ•Š

A look back at this beautiful Gold Partridge Brahma hen. She was supposed to be the foundation of a new project last January, but unfortunately, she didn't make it.

Sharing this shot to appreciate her beauty and the lessons learned along the way. The journey continues.

Patience is a virtue, pero minsan, may mas magandang plano ang tadhana.Last year, sinubukan nating ipares ang ating kais...
25/03/2026

Patience is a virtue, pero minsan, may mas magandang plano ang tadhana.

Last year, sinubukan nating ipares ang ating kaisa-isang Gold Partridge rooster sa isang hen na aking binili mula sa isang respetadong breeder, pero hindi tayo pinalad. Hindi naging madali, pero tuloy lang ako.

Fast forward to this year, sinong mag-aakala? Ang hinahangad nating hen ulit, nakuha natin nang libre bilang premyo sa napanalunang Brahma Online Show! Minsan, ang kailangan lang ay tamang timing at hindi pagsuko. Cheers to new beginnings!

Address

Laoag City
2900

Telephone

+639271532452

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mystic Dream Brahma posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mystic Dream Brahma:

Share