07/07/2026
FREE KAPON!!! Prioritize your fur baby’s health and welfare 🐾💓
𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐚𝐬𝐨’𝐭 𝐩𝐮𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐦𝐮𝐬
Ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng Office of the City Veterinarian, katuwang ang Small Animal Practitioner Association of the Philippines Inc. at City Veterinary Office ng Lungsod ng San Jose Del Monte, ay nag-aanyaya sa lahat ng pet owners na mag pre-register para sa 200 slots ng libreng spay at neuter sa darating na Biyernes, Hulyo 10, 2026, 8:00 AM, sa Animal Impounding and Healthcare Center, Eco-Village, Brgy. Malagasang 1-G.
Samantala, ang mismong Spay and Neuter ay gaganapin sa Hulyo 16, 2026, sa Auditorium ng Imus Pilot Elementary School.
Narito ang requirements para sa PRE-REGISTRATION:
🟢Valid ID na may Imus Address (photocopy)
🟢Kinakailangan ang personal na pagpunta
🟢Hindi tatanggap ng authorization o representative
🟢Lahat ng pet owners ay kailangang mag-fill out ng SPAY at NEUTER Registration Form sa araw ng Pre-Registration
🟡PAALALA: Isang (1) pusa o aso lamang ang maaaring iparehistro at sumailalim sa libreng kapon bawat household o bahay.
Dahil sa posibleng health-related concerns, hindi maaaring sumailalim ang snub-nosed pets sa libreng kapon. Ang mga alagang hayop na ito ay kinabibilangan ng:
🔵Pug
🔵French Bulldog
🔵English Bulldog
🔵Boston Terrier
🔵Shih Tzu
🔵Pekingese
🔵Persian Cat
🔵Exotic Shorthair
Ang programang ito ay para sa kalusugan ng inyong mga alagang pusa at aso, at para sa mas responsableng pet ownership sa lungsod.