11/06/2026
SC ANG DAPAT SUNDIN KASI TRANPARENT SILA.
ππππππππ: 'ππππππππ ππππ ππππππππππ 'πππππ' πππ ππππππ ππ ππ πππππππ ππ ππππππππππ ππ ππππππππππ, πππππππππ ππ πππππ πππππππ'
MAYNILA β Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong inihain ng gurong si Barry Tayam na humihiling na ideklarang 'valid' ang quorum ng 12 senador sa isinagawang sesyon ng Senado noong June 3, 2026.
Sa inilabas na pahayag ng Office of the Spokesperson ng Supreme Court, sinabi na ibinasura ang petisyon dahil sa kawalan ng legal standing ng petitioner. Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, nabigo si Tayam na maipakita na mayroon siyang sapat at direktang interes na nagbibigay sa kanya ng karapatang kuwestiyunin ang usapin sa harap ng korte.
Dahil dito, hindi na tinalakay ng Korte Suprema ang mismong isyu tungkol sa quorum sa Senado. Sa halip, nakatuon ang desisyon sa kakulangan ng legal na batayan upang maihain ang petisyon. Ang usapin sa quorum ay naging sentro ng matinding debate kasunod ng mga kontrobersiya sa liderato ng Senado at mga naging kaganapan sa sesyon noong June 3.