02/06/2026
Adopt-A-School
Ngayong araw, binisita natin ang dati kong elementary school sa Brgy. Puting Tubig sa Gapan City, Nueva Ecija. Kasalukuyan ang ginagawa nilang brigada eskwela kung saan nakita natin kung gaano katibay ang suporta ng mga magulang, teachers at principal para ihanda ang paaralan pasa sa muling pagpasok ng mga bata.
Napag alaman natin na may proyekto ang paaralan para sa pagsasa ayos nang ginagawa nilang canteen at school clinic pero kapos sa budget kaya hindi ito matapos. Sa ating pagbisita, nagpaabot tayo ng tulong para mapagpatuloy na ito. Bilang dating mag aaral ng paaralan, utang ko sa lugar na ito kung nasaan ako ngayon kaya pipilitin kong tumulong sa abot ng aking makakaya.
Salamat sa Diyos sa patuloy na pag gabay.
Sa Kanya lagi ang papuri at pasasalamat.