04/06/2026
Lifespan of a Hamster
Hamsters, as we know, have relatively short lifespans. Pero gaano nga ba sila katagal nating makakasama?
Karamihan ng hamsters ay nabubuhay ng 1–3 years, at ang average lifespan nila ay nasa 1.5–2.5 years. Ang pinakamatandang recorded captive hamster ay umabot ng 4.5 years sa UK!
Maraming factors ang nakakaapekto sa lifespan nila, gaya ng genetics, quality of care, diet, at overall health ng bawat hamster.
Para mas mapahaba ang buhay nila, mahalagang:
✨ Bigyan sila ng high-quality diet
✨ Panatilihing malinis at angkop ang kanilang enclosure
✨ Gumamit ng safe bedding at accessories
✨ Siguraduhing masaya at stress-free sila
✨ Magpakonsulta sa vet kapag kinakailangan
Sulitin ang bawat sandali kasama ang inyong hamster at bigyan sila ng pinakamagandang buhay na kaya natin.
. .