17/08/2026
Hey Vet Street fam 🐾💙
From the bottom of our hearts… SORRY PO AT MARAMING MARAMING SALAMAT🙏
Una sa lahat, THANK YOU for celebrating our 10th Anniversary with us. Hindi po namin in-expect na ganito karami ang dadating — as in feeling namin bigla kaming naging concert venue 😅🎉 Hindi po namin inaasahan na madami ang lalabas compared po ang dami vs sa turn out last year.
Pero dahil sa overwhelming love ninyo, amin din pong inaamin:
👉 Sorry sa mahabang waiting time. Dahil po sa dami ng tao at sabay na consultations, 2 lang po ung nagamit na kwarto for the vaccination drive.
👉 Sorry sa medyo sablay na flow at voucher system. Mas inakala namin na mapapabilis ung flow dahil sa voucher at ayaw nga namin na maulanan ang mga alaga niyo pero dahil biniyayaan po tayo ni Lord ng mainit na araw kaya mas dumami ung may dalang a*o. Nakita naman po natin kung saan ung lapses para kung gagawin po namin ulit ito sa mga susunod na taon sana maimprove pa namin.
👉 At pinaka-sorry sa init sa loob ng clinic… literal na “mainit ang pagtanggap”… sobra nga lang 🔥🥵. Base sa weather forecast, nasa 95% ang chance ng rain kahapon kaya di na po kami nagrent ng aircoolers pandagdag sa lamig. Sa grace din po ni Lord biniyayaan tayo ng araw at naging overwhelming din po ang dami ng tao sa loob kaya di kinaya din ng aircon. Di bale po next year, by hook or by crook magdadagdag na po talaga ng aircoolers.
👉Sorry po sa naubusan ng freebies. Limited lang po kasi talaga ang freebies natin since konti lang din po ang kaya ng aming mga magigiting na suppliers. Konti lang din po talaga ang kaya ng aming budget at focus po namin na mabigyan ng budget ang free vaccine 🥲
But we hear you. We feel you. At promise, hindi namin ito palalagpasin na ganito lang. We are already working on better systems, better flow, at syempre mas comfortable na setup para sa susunod — dahil deserve ninyo at ng mga furbabies ninyo ang mas maayos at mas masayang experience 🐶🐱💙
Despite everything, nakita namin ang inyong patience, smiles, at tiwala — at doon kami mas lalong na-touch. Lalo na po ung mga personal na nagpapasalamat at nagsusulat sa message board namin. Grabe, 10 years na pala tayo… at dahil sa inyo yun. Mula sa nagsimulang clinic na wala halos pintura at di kumpletong mga gamit. Ang tanging nais lang talaga namin nun ay makapagsilbi sa mga a*o at pusa. 🥹 Sana nag-enjoy po kayo sa aming 10th Anniversary!
Maraming salamat sa pag-intindi, sa suporta, at sa pagmamahal.
Bawi kami. Promise. Mas organized, mas prepared, at hopefully… mas malamig na 😅❄️
With all our gratitude,
Vet Street Animal Medical Center Family 🐾💙