05/08/2025
Palatandaan na may LEPTOSPIROSIS po ang inyong furbaby,
Mga senyales:
Babagsak ang buntot,
Lalagnatin,
Sisingkit ang mga mata,
Magiging antukin,
Nakakatulog sa pagkaupo
Mamumula ang mga mata,
Takaw tikim lang sa pagkain,
Inom ng inom ng tubig,
Kulay kalawang ang ihi,
Di nakakatagal na nakatayo,
At maappansin nyo iba ang paghinga nya, hindi normal,
At ang pang huli, puputla na ang mga gum nya, mamumuti, ibig sabihin dehydrated na po sya, oras nalang ang itatagal nya
Pag nakita nyo po na nasa stage na mapula na ang mga mata, dalin nyo na po agad sa vet para maagapan, kapag po di naagapan at umabot na sa di normal na paghinga nya yun na po ang senyales na malala na, tinitira na ng lepto ang lungs nya, anytime mag shutdown na po ang mga lungs nya, kapag naman po umihi na ng kulay kalawang maaaring mag kidney failure na po sya,
Yan po ang nangyari sa furbaby ko, di ko po sya naagapan dahil wala po ako idea sa mga sintomas ng Leptospirosis, within 5days lang po, kinuha ng Lepto ang furbaby ko, huli na nung nadala ko sya sa vet, sobrang sinisisi ko ang sarili ko kung bakit napabayaan ko sya, akala ko kasi simpleng sakit lang ang nararamdaman nya,
Kaya sini-share ko po sa inyo ang mga senyales na naobserbahan ko sa furbaby ko, na sana wag ng mangyari sa ibang furbaby,
"Di kaya ng mga Sorry ko ang nangyari sayo Max, patawad, mahal na mahal kita anak"