16/08/2026
🩺🐾 BAKIT “DOCTOR” DIN ANG VETERINARIAN — AT BAKIT HINDI SILA DAPAT MALIITIN?
Minsan naririnig natin:
“Vet lang naman.”
Pero ang Veterinarian ay isang licensed medical professional na nag-aral at nagsanay para mag-diagnose, maggamot, mag-operate at tumulong mag-prevent ng sakit sa mga hayop.
🐶🐱 At tandaan—hindi nakakapagsalita ang kanilang pasyente.
Hindi masasabi ng a*o kung saan masakit.
Hindi maipapaliwanag ng pusa kung kailan nagsimula ang sintomas.
Kaya kailangang pagsamahin ng veterinarian ang physical examination, medical history, laboratory tests, imaging at clinical judgment para malaman kung ano ang problema.
💉 Nagbibigay sila ng vaccines at preventive care.
🩺 Nagdi-diagnose at gumagamot ng sakit.
🔬 Nag-iinterpret ng laboratory results.
💊 Nagpe-prescribe ng medications.
😷 Nagbibigay ng anesthesia.
🔪 Nagsasagawa ng surgeries.
🚨 Humahawak ng emergency at critical cases.
At hindi lang dogs at cats ang sakop ng veterinary medicine. May veterinarians para sa livestock, poultry, wildlife, exotic animals, research at public health.
❤️ Kaya sana alisin natin ang salitang “vet lang.”
Hindi kailangang ikumpara ang veterinarian sa human doctor para respetuhin ang isa sa kanila.
Pareho silang professionals sa larangan ng medicine—magkaiba lamang ang kanilang patients at scope of practice.
🐾 RESPECT YOUR VETERINARIANS.
Behind every animal they save are years of education, training, responsibility and dedication.