10/12/2025
Help us save Miracle. 🐾
https://www.facebook.com/share/p/1BcJ8opxtJ/?mibextid=wwXIfr
TRIGGER WARNING: DISTURBING CONTENT. VIEWERS DISCRETION IS ADVISED.
Panawagan para Sagipin ang Rescued Dog na si ‘Miracle’ 🙏
Kasalukuyang nasa Intensive Care Unit (ICU) ng Pet Priority Co. sa Kapitan Pepe, Cabanatuan City ang rescued dog na pinangalanang Miracle nang mga sumagip sa kanya.
10 days na ang nakalipas nang putulin ang kanyang isang paa na nadurog ang buto matapos masagasaan ng truck sa Bagting, Gabaldon. Sinagip siya ng mga magkakapit-bahay at dinala sa isang veterinary clinic dahil apat na araw na siyang nasa gilid lang ng kalsada pero walang kumuha at umangkin sa kanya.
Ngunit hindi gumagaling ang kanyang sugat at lumabas ang buto sa pinutol na paa. Kahit dalawang beses na itong nire-repair sa unang vet clinic na pinagdalahan sa kanya.
Bumagsak na ang kanyang dugo kaya inilipat sa Pet Priority kung saan nagsagawa ng blood transfusion sa tulong ng donor na isang St. Bernard dog na si ‘Rusco’ na ang may-ari ay nagliligtas din ng mga a*o.
Kailangan siyang muling operahan upang mai-ayos ang pinutol niyang paa para maghilom na ito. Ngunit sa ngayon ay umaabot na sa Php20k ang bill na babayaran pwera pa ang bayad sa confinement at sa pangalawang operasyon. Nahihirapan nang sagutin ito nang nag-resue kay Miracle dahil umabot na rin sa mahigit P20k ang binayaran sa unang vet.
Kaya sa mga may mabubuting puso na nais magbigay ng tulong pinansiyal ay maaari nyo pong dalawin si Miracle at personal na I-abot ang inyong donasyon sa Pet Priority o ipadala sa Gcash account number na Jennifer P. 09973249410.