28/01/2023
Kilala rin as Laway Laway, maaaring tamaan pa rin ng Fowl Cholera ang stag o cockerel kahit naka cord na sila. Bukod sa mga clinical signs na dapat nating obserbahan, kailangan din nating pansinin kung meron silang kakaibang kilos, lalo na pagdating sa ipot at kung hindi sila natutunawan, para kaagad nating ma-address ang problema.
Maari maiwasan ang impeksyon basta hindi sila ma-stress sa pabago-bagong panahon, pinapanatili nating maganda ang sanitation ng ating mga brooder at madalas nating nililinis ang ating patubigan.
Pero sa pagkakataon ng magkasakit ng Fowl Cholera ang ating mga alaga, ito ang gamot na maaring gamitin na epektibo sa mga batang gamefowl - Zeflexin, Vetracin Ultima at Quinomax.
At sa mga matandang gamefowl naman - Romoxtyl, Avitron at Bacterid.