01/07/2020
Diary ng Bird Hobbyists
Lungkot at sama ng loob ang naramdaman ni Gil
Ng malaman nya na siyam na lang ang natitira sa mga alaga nyang mga African Love Birds, parang kailan lang ay halos 50 piraso ang bilang ng mga ito, kasama na ang mga alaga nyang Australian Finches.
Isang Bird Hobbyists si Gil, bata pa lang sya ay mahilig na syang mag alaga ng ibat-ibang uri ng mga ibon. Pero noon ay mga ordinaryong ibon lang ang inaalagaan nya, tulad ng Maya at mga Kalapati. Para sa kanya ay hindi lang isang libangan kundi pamilya at kaibigang tunay ang mga ito.
Nang matapos ni Gil ng kanyang pag aaral ay kaagaran syang nakakuha ng magandang trabaho. Yun nga lang ay kung saan-saang malalayong lugar sa Pilipinas sya nadidistino. Kung kaya ay unti-unti nyang napabayaan ang kanyang mga alaga, hanggang sa tuluyan ng nawala at naubos ang mga ito.
Lumipas ang maraming mga taon, marami ding nangyari sa buhay ni Gil. Nakapag ikot na sya ng mundo at nakita ang maraming mga bansa dahil sa pag tatrabago nya sa isang Cruise Ship. Photographer sya dito, kung kaya naman napakarami nyang magagandang larawan at alaala habang sya ay nasa trabaho. Pero sa kabila ng kanyang magandang propesyon di maikakaila na under stressed at sobrang pressured din ang kanyang trabaho, na kung minsan ay ayaw na nyang bumalik dito ka pag siya ay naka bakasyon. Iniisip na lang nya na mag hanap ng pwede nyang maging negosyo dito sa Pilipinas. Ngunit ang pag iisip ng pwede nyang maging negosyo ay nag padagdag pa sa kanyang stress.
Hanggang minsan sa kanyang bakasyon matapos mag simba ay napadaan sya sa isang Pet Shop, napukaw ang kanyang paningin ng isang pares ng ibon, ang African love birds na taglay ang pambihirang ganda at huni na tila bay, siyay tinatawag nito, at nag sasabing bilhin mo ako. Hindi na nag dalawang isip pa si Gil, agad nya itong binili at iniuwi sa bahay. Tuwa at saya ang naging reaksyon ng kanyang asawa at mga anak sa bago nilang pet birds.
Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na si Gil at masayang nag kakape habang naka-upo sa harap ng cage ng kanyang alagang ibon. Makalipas ang isang linggo ay muli syang bumili ng dalawa pang pares ng African love birds. Nag pagawa din sya ng mas malaki pang kulungan kung saan makakalipad ang mga ito ng mas maayos. Binilhan din nya ang mga ito ng nest box, toy's at mga treats, tulad ng fresh na gulay at vitamins.
Mabilis lumipas ang mga araw, pabalik na si Gil sa kanyang trabaho sa barko, kung kaya malungkot man nyang iiwanan ang kanyang mag iina at bagong mga alaga ay masasabi naman nyang sobrang nai enjoy nya ang kanyang bakasyon, at very positive ang pag balik sa trabaho.
Sa barko, naging libangan na ni Gil ang internet at you tube, para sa kanyang research about keeping birds. Gumawa rin sya ng mga plano ng walk in aviary, at bird cage. Hindi nag tagal ay pinag sumikapan nyang maipatayo ang mga ito. Marami ring klase ng mga ibon pa ang kanyang inalagaan tulad ng Cockateil, Parakeets at ibat-ibang uri ng mga Australian finches gaya ng Gouldian, Zebra, Shaf tail Finch etc. Pinangalanan nya ang kanyang ibunan ng St. John Aviary. Meron din itong Logo, Facebook at YouTube channel para mai post ang mga nag gagandahang videos at photos ng kanyang mga alaga.
Lumipas ang ilang taon, ay biglang tumamlay ang pagdami ng mga ibon sa St. John Aviary. Unti-unting nababawasan ang mga finches. Hanggang sa ma diskubre ni Gil na napasok pala ng mga maliliit na daga ang nestbox nito. Sa halip na mga inakay ng ibon ang nasa pugad, ay pinag pugaran pala ito ng mga bubuwit. Sobrang galit ni Gil sa mga dagang ito, kaya lintek lang ang walang ganti ang hatol nya dito.
Lumipas muli ang ilang taon, muling dumami ang mga African, sa sobrang tutulis at lakas ng tuka ng mga ito ay kayang-kaya nilang sirain ang maninipis na screen kung kaya pati kulungan ng finches ay kanila ng sinakop. At dahil doon ay tuluyan ng tumamlay ang mga Finches at unti-unti silang naubos.
Bumayad sya ng mag aalaga para kahit paano ay masiguro na may titingin at aalalay sa pangangailangan ng kanyang mga alagang ibon na halos 40 piraso na ang bilang. Lahat ito ay African love birds na lang at ang nag iisang maamong Cockateil.
Isang mahabang pag lalakbay pauwi ng Pilipinas ang hinaharap ni Gil sa kasalukuyan dahil sa Pandemic na Corona Virus. Sa halos apat na buwan na kanyang pag titiis at pag hihintay ilang araw na lang ay muli na nyang makakasama ang kanyang pamilya, at muli ay makikita ang kanyang mga alaga. Ngunit isang nakaka lungkot na balita ang kanyang nalaman mula sa kanyang asawa, ang nangyaring trahedya sa kanyang Aviary.
Mula sa halos 40 African love birds ngayon ay 9 na lang ang natitira, dahilan daw sa pag atake ng mga daga. Sa anong dahilan at paano naka pasok ang mga daga ay hindi nya alam kung paano nangyari. Kung kailan pa naman na sa tingin nya ay mag tatagal ang pag iistay nya dito sa Pilipinas ngayon pa nangyari.
Tunay na nakaka lungkot, galit at pang hihinayang ang nararamdaman ni Gil dahil sa nangyaring trahedya sa kanyang Aviary. Anong desisyon na lang kaya ang kanyang gagawin sa ngayon. Dapat pa bang ituloy nya ito o hanap na lang ng ibang Hobby.
Please comment below! Thank you!