05/06/2026
🐾 NOMIE IS LOOKING FOR HER FOREVER HOME 🏡❤️
Please give Nomie a chance to be loved and cared for. We will shoulder all her needs, including her spay (kapon), to help ensure a smooth transition to her new family.
If you're interested in adopting, please send DM to Ja-Ahne Fernandez. Screening is a must to make sure Nomie goes to a safe and loving home.
Please share and help us find her perfect family. ❤️🐶
UPDATE: Nomie has been adopted!
🐶❤️ 𝐀𝐧𝐠 𝐊𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐢 𝐍𝐨𝐦𝐢𝐞 ❤️🐶 FOR ADOPTION
Naipakita ko na noon si Nomie. Kalbo, gala sa kalsada, at umaasang may makukuhang pagkain araw-araw. Unti-unti ko siyang napalapit at napakain hanggang sa nasanay na siyang maghintay sa harap ng aming gate. Sa pagdaan ng panahon, tumubo rin ang kanyang balahibo at bumuti ang kanyang kalagayan.
Gusto ko man siyang ampunin, mayroon na rin akong limang a*o at hindi na sapat ang espasyo sa aming bahay. Dahil hindi rin ligtas para sa kanya ang manatili sa kalsada, humingi ako ng tulong.
Sa kabutihang-palad, tinanggap si Nomie ni Ms. Lloi Delyn sa kanyang shelter. Maraming salamat sa pagbibigay sa kanya ng ligtas na pansamantalang tahanan.
Senior dog na si Nomie, ngunit naniniwala akong may taong magbubukas pa rin ng kanilang puso at tahanan para sa kanya. Kung hindi man kayo ang mag-aadopt, malaking tulong na ang pag-share ng post na ito upang makarating ang kanyang kwento sa kanyang future family.
At sana ay masuportahan din natin si Ms. Lloi Delyn, isang legit at dedikadong solo rescuer na walang sawang tumutulong sa mga hayop na nangangailangan. Deserve niya ang mas maraming support at pagkilala para maipagpatuloy ang kanyang advocacy.
Naniniwala ako na bawat a*o sa shelter ay may nakalaang pamilya. Sana, matagpuan na rin ni Nomie ang kanya. ❤️🐾