LuckySons

LuckySons Sabong Sports

17/05/2026



15/05/2026






πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡ Video comments section

07/05/2026

SENYALES AT PAMAHIIN
By: Rolly Ramos of Romazeth Gamefarm

1) Hatag sa Mesa – Ito iyong panabong na bigla ay lumipad sa ibabaw o pasimano ng gradas. Ang panabong na lumipad sa ibabaw ng pasimano ng gradas ay malamang na matalo. Sinasabing ito raw ang ihahain sa lamesa.

2) Tatlong Salin – Ito iyong madalas na makita sa sabungan. Una, ipapahawak ng isang tao ang manok, pangalawa, kukunin ng isang pang tao upang ikahig o painitan ang manok. At ang pangatlong tao ay aakyat upang kunin ang manok upang siya ang magbitaw. Ang tatlong salin ay binabantayan upang kontrahin, dahil lamang ito sa talo.

3) Ligis – Ang taong may tangan ng manok na dumura at saka ito tinapakan o niligis sa loob ng gradas ay napakahirap lumusot sa laban upang manalo. Bantayan din kung ang tao ay naninigarilyo at ang upos ay kanyang niligis o sadyang tinapakan ng madiin upang patayin ito.

4) Tumilaok Habang Inaalis Ang Bayna – Ang panabong na tumilaok habang inaalis ng may-ari ang bayna ay mas malamang na manalo.

5) Maarte – Ito ang tagabitaw na ubod ng arte at gustong kunin ang atensyon ng mga mamumusta. Nandiyang ubod ng tagal sa pag-aalis ng bayna, o di kaya ay kung anu-ano pa ang ginagawa; nandiyang inihuhuli ang paglapag sa manok o di kaya ay inilalayo ng pag kalayu-layo, minsan naman nailalapag na ang kalaban, saka lang pilit ipupuwesto ng alanganin ang manok niya. Sigurado talo ito, kasi marami ang naiinis.

6) Arbor Singilan – Sa pagbili ng pansabong, sinasabing hindi magandang bumili ng manok na may isang panalo na dahil maaaring sa susunod na laban ay lamang na talo ito. Ito ang tinatawag na β€œArbor Singilan” kung saan, dahil ito ay nanalo na, talo naman ang kasunod. Ang susunod na magmamay-ari nito ang mapagbabawian ng arbor singilan.

7) Itlog ng Tandang – Itlog ng tandang? Opo itlog, hindi bayag ng tandang. Sinasabing buwenas o swerte ito kung may tandang kang nangitlog. Ang hitsura nito ay maliit na parang itlog ng ibong maya puti ang balat at kapag binasag mo ay walang p**a o dilaw sa loob, panay puti lang o klaro (sayang binasag ko!). Ito raw ay dinadala sa sabungan at swerte sa panalo. At nawawala ang bisa kung ipinakita mo sa iba o pinahawakan.

😎 Manok na Patay – Kung mayroong daw sabungero o taong namatay at mayroong siyang manok panabong na alaga, sa araw ng burol ay dapat na itong ilaban at ito raw ay gagawa ng pera para sa abuloy sa nakaburol na amo. May paliwanag din ang ilang matanda na ang kaluluwa daw ng sabungero ay sumasanib o umaalalay pa sa kanyang manok panabong.

9) Regla (Agos) – Ewan ko ba kung bakit nagkaroon ng katawagang β€œregla” sa larong sabong gayong puro maginoo tayong tapat na sabungero. Di ba mas mainam na tawagin itong agos. (Anong agos? Eh dugo na naman yan, eh! Tayong lalaki ang nagdudugo hindi dinudugo). Sa pagsasabong may regla (agos) ng sultada, tulad ng panay panalo o talo sa isang puwesto (meron/wala); kung minsan ang maunang umakyat sa gradas ay panalo o talo; ang maunang pumasok ang tari o lapitan ng sentensyador ay panalo o talo; ang unang maglapag ng manok o bitawan, talo o panalo; ang bawat kulay ng balahibo o kulay ng paa ay malas o swerte; at iba pang dapat pansinin na nangyayari na parang may pattern o naaayon ito ang regla o agos sa sabungan. Kapag umiral at nasundan mo ito, tiyak na para kang namumulot ng pera.

10) Hindi Sinagot ang Pagtilaok – Kung may manok kang tumilaok sa hating-gabi at walang sumagot lalo’t siya ang muling tumilaok, ilaban mo na agad siya sa araw na iyon at parang napakagaan ng panalo ng manok na ito. Ni hindi raw makakahipo ng balahibo ang kalaban.

11) Tumuka sa Bulsa ng Damit – Kapag naghihimas ka ng bulsa ng polo o damit mo ay parang ipinahihiwatig nitong may perang ilalagay sa bulsa mo. Mananalo ng manok na ito.

06/05/2026



βœ”οΈ


4 months national Banded

06/05/2026

βœ”οΈ


05/05/2026


strain


04/05/2026

In God's time ito yung first property namin na best sa mga alagang manuk but unfortunately biglang nag change plan😘

02/05/2026

Red Fox

Address

Guiwanon
Bantayan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LuckySons posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category