17/12/2025
Isang Paalala sa mga Kapwa Crayfish Lovers
Bago kayo magmadali mag-apply ng DTI, huminga muna at tingnan ang buong picture.
Madali lang mag-DTI, oo. Pero once na nag-apply ka na, may mga deadlines na agad na susunod from other government agencies. Hindi lang siya pangalan ng negosyo—commitment na siya.
After DTI, kailangan mo nang asikasuhin ang mga sumusunod:
🔵 BIR Registration (within 30 days)
⚠️ Important: Kailangan on time ito. Kapag na-late, puwedeng magkaroon ng penalties, surcharges, at interest—kahit maliit pa lang o hindi pa active ang negosyo.
– COR / BIR 1901
– Books of Accounts
– Official Receipts/Sales Invoice (need ka pa print) para maka issue ka na receipt… mga requirement ito ng BIR
🟢Barangay Clearance
🔴Mayor’s / Business Permit, na kadalasan may kasamang:
– Zoning Clearance (kung allowed ang negosyo sa location)
– Fire Safety Inspection Certificate (BFP)
– Sanitary Permit (kung applicable)
– Environmental / Waste Clearance (depende sa LGU at nature ng business)
• BMBE Registration (optional pero highly recommended kung qualified)
Benefits kapag BMBE-registered:
– Exempted sa Income Tax
– Exempted sa Minimum Wage Law
– Priority sa government programs, training, at financing
– Mas mababang fees sa ilang LGUs at agencies
Lahat ng ’yan may oras, gastos, at responsibility. Kahit nagte-test ka pa lang o “try lang muna,” puwede ka nang ma-penalty kapag hindi nasunod sa tamang oras.
👉 Bottom line:
Mag-DTI kapag ready ka na—
ready sa proseso,
ready sa compliance,
at ready tapusin hanggang dulo.
Hindi kailangang magmadali.
Mas mahalaga na handa ka at buo ang loob mo.
Crayfish farming is a journey. Mas masarap siya kapag maayos ang pundasyon—hindi lang sa pond, pati sa papel.
Grow smart. Grow ready. Grow all the way.
🟡Special Note para sa kapwa Small-Scale Crayfish Breeders
Hindi natin puwedeng i-ignore ang mga requirements, lalo na’t may sinusunod na BFAR guidelines.
Pero para sa sobrang liit na operations, makatuwiran na mag-hintay muna sa malinaw at final na mga requirements.
Sa ngayon, napaka-hassle ng buong proseso kung maliit pa lang ang kita at nagsisimula pa lang ang farm. Mabigat ito para sa small farmers na nag-aaral at nagbu-build pa lang.
Sana maging malinaw at akma sa scale ang mga requirements, para hindi madiscourage ang maliliit na breeders