19/11/2025
Ngayon, kinunan ko ng picture ang agarwood namin—8 months old, habang nagspray kami ng foliar. Nakakatuwa kasi ang laki na ng pinagbago nila mula sa maliit na punla na halos hindi namin alam alagaan. 💚🤍
Dati, halos nagseself doubt kaming magasawa kung paano namin simulan ang pagiging plantito at plantita 😂😆
Nakita ko yung picture at natawa ako. Sino bang mag-aakala na ako (city girl) —yung hindi makapagpatubo ng sibuyas—magkakaroon ng agarwood? (Kukuwento ko eto paano kami napadpad sa lanrangan ng agarwood) 😆🥰
Minsan tinatanong kami ng kapitbahay, “Ano ba ’yang lagi ninyong binabantayan?” Sagot namin, “Investment.”🌳
Pero sa totoo lang, hindi lang siya investment—achievement namin ng husband ko. Katibayan na kaya namin palang maging plantito at plantita 😆😆😆
8 months na. Mahaba pa ang journey namin. Pero ngayon pa lang, proud na proud na ako.
Sana tuloy-tuloy lang ang tubo niya. 🧿🫶
Marami sila, 100 seedlings. Hindi ko na nakunan ang hirap magMOV 🤧🤣
Maraming salamat nga pala sa mentor namin, one call away lang at sangkatutak na kaalaman ang nakukuha namin sa kaniya. 👏🙌
- Darlene 🧿