Neptune Bullies PH

Call Contact the business

Neptune Bullies PH Neptune Bullies PH 🇵🇭 - Passionate about Love birds, Bunnies, and American Bullies.

Thursday, October 01, 2026Psalm 18:6 – “Kinakabahan ako! Humingi ako ng tulong sa Inyo, Panginoon kong Diyos, at pinakin...
30/09/2026

Thursday, October 01, 2026

Psalm 18:6 – “Kinakabahan ako! Humingi ako ng tulong sa Inyo, Panginoon kong Diyos, at pinakinggan Nʼyo ang panalangin ko sa Inyong templo.”

Hindi Dapat Huli

Kapag dumaranas tayo ng matinding problema, takot, o pakiramdam na parang wala nang makakatulong sa atin, ipinapaalala ng Diyos na hindi Siya bingi sa ating mga panalangin: “Humingi ako ng tulong sa Inyo, Panginoon kong Diyos.” Hindi man agad nagbabago ang ating sitwasyon, puwede tayong lumapit sa Diyos nang may pagtitiwala dahil naririnig Niya ang sigaw at iyak ng Kanyang mga anak. Ang panalangin ay hindi dapat ang huling paraan kapag wala na tayong ibang magawa; ito dapat ang unang hakbang ng isang taong nagtitiwala sa kapangyarihan at katapatan ng Diyos.

Gaya ng sinasabi sa Philippians 4:6, “Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Diyos ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat.”

Ang Diyos na nakarinig kay David ay Siya ring Diyos na nakikinig sa atin ngayon. Kaya sa oras ng kagipitan, huwag tayong lamunin ng takot o pangamba—manalangin tayo at ipaubaya sa Panginoon ang ating kalagayan. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 61; 2 Samuel 21
Evening: Ezekiel 22; Luke 22:47–23:25



Wednesday, September 30, 2026Proverbs 26:20 – “Namamatay ang apoy kung ubos na ang panggatong, natitigil din ang away ku...
29/09/2026

Wednesday, September 30, 2026

Proverbs 26:20 – “Namamatay ang apoy kung ubos na ang panggatong, natitigil din ang away kung wala ng tsismisan.”

Dagdag na Gatong

Madalas lumalaki ang away kasi may taong patuloy na nagdadagdag ng maling kuwento, tsismis, o masasakit na salita. Parang apoy ang alitan—kapag patuloy nating “pinapakain” ng salita, lalo itong lumalaki. Kaya bilang mga tagasunod ni Hesus, matuto tayong huminto sa pagpapasa ng mga bagay na maaaring makasira sa relasyon ng iba. Hindi lahat ng naririnig ay kailangan nating ikuwento, at hindi lahat ng alam natin ay kailangang sabihin. Sa halip, piliin nating maging tagapamayapa at gamitin ang mga salita para magpagaling, hindi upang magdagdag ng apoy at makasira ng iba.

Sabi sa Ephesians 4:29, “Huwag kayong magsalita ng anumang masama, kundi ang mabuti lamang na makatutulong sa iba.”

Bago tayo magsalita tungkol sa ibang tao, tanungin muna natin ang ating sarili: ”Ang sasabihin ko ba ay makatutulong sa kapayapaan, o lalo lamang magpapalaki ng apoy?” Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 60; 2 Samuel 20
Evening: Ezekiel 21; Luke 22:1–46



Tuesday, September 29, 2026Luke 9:25 – “Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mund...
28/09/2026

Tuesday, September 29, 2026

Luke 9:25 – “Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo pero mapapahamak naman ang buhay niya? Wala!”

Soooobrang Abala

Sa sobrang abala natin sa paghahanap ng pera, tagumpay, magandang buhay, at iba’t ibang bagay na gusto natin, nakakalimutan natin ang pinakamahalaga sa lahat—ang relasyon natin kay Hesus. Walang saysay na makuha natin ang lahat ng gusto natin sa buhay kung unti-unti naman tayong sumusuway at lumalayo sa Panginoon. Ang mga bagay na mayroon tayo ngayon ay pansamantala lang, pero ang kaluluwa natin ang may walang hanggang halaga. Kaya habang nagsisikap tayo sa buhay, huwag nating kalimutang unahin si Cristo at ang kalooban Niya.

Tulad ng sinabi Niya sa Mark 8:36, “Sapagkat ano ang mapapakinabang ng tao kung makamtan niya ang buong sanlibutan at mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa?”

Pinaka mahalaga pa rin ang magkaroon ng relasyon kay Cristo kaysa makuha ang buong mundo, dahil nakasalalay dito ang eternity mo. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 59; 2 Samuel 19
Evening: Ezekiel 20; Luke 20:45–21:38



Monday, September 28, 2026Luke 9:24 – “Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngun...
28/09/2026

Monday, September 28, 2026

Luke 9:24 – “Sapagkat ang taong naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nagnanais mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa Akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.”

Isuko ang Sarili

Ang tunay na buhay ay hindi nasusukat sa dami ng pag-aari, sa mga pangarap, o sa pansariling kagustuhan; kundi sa pagsunod natin kay Cristo. Kailangan nating isuko ang sariling kagustuhan, talikuran ang kasalanan, at piliin ang kalooban ng Diyos kahit na hindi ito madali. Hindi ibig sabihin nito na mawawalan tayo ng halaga, kundi matututuhan nating ilagay si Cristo na pinaka una sa ating buhay.

Sabi sa Galatians 2:20 – “Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay Niya para sa akin.”

Bilang mga mananampalataya, tandaan natin na ang buhay na lubos na ipinagkatiwala kay Cristo ay buhay na may tunay na layunin. Huwag nating panghawakan ang mga bagay ng mundong ito nang higit kay Cristo, dahil ang tunay na buhay ay matatagpuan sa pagsunod at pamumuhay para sa Kanya. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 58; 2 Samuel 17:24–18:33
Evening: Ezekiel 19; Luke 19:47–20:44



Friday, September 25, 2026John 15:5 – “Ako ang puno ng ubas, at kayo ang Aking mga sanga. Ang taong nananatili sa Akin a...
24/09/2026

Friday, September 25, 2026

John 15:5 – “Ako ang puno ng ubas, at kayo ang Aking mga sanga. Ang taong nananatili sa Akin at Ako rin sa kanya ay mamumunga nang marami. Sapagkat wala kayong magagawa kung hiwalay kayo sa Akin.”

Kakayahan at Tagumpay

Si Jesus ang tunay na puno ng ubas at tayo ang Kaniyang mga sanga; kapag tayo ay nananatili sa Kanya, magbubunga tayo nang masagana, dahil wala tayong anumang magagawang may kabuluhan kung hiwalay tayo sa Kanya. Sa ating pang-araw-araw na buhay, madalas tayong natutuksong umasa sa sarili nating lakas, talino, at kakayahan, pero ang tunay at nagtatagal na kagalakan at tagumpay ay nagmumula lang sa ating patuloy na pakikipag-ugnayan sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin at pag-aaral ng Kanyang Salita.

Sabi Niya sa Philippians 4:13 – ”Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na ipinagkakaloob sa akin ni Cristo,”

Ang tunay nating kakayahan at tagumpay sa anumang pagsubok ay hindi nanggagaling sa ating sarili, kundi sa kapangyarihan ni Hesus na nananahan sa ating puso. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 55; 2 Samuel 14:25–15:12
Evening: Ezekiel 16; Luke 18:1–30



Thursday, September 24, 2026John 14:1 – Sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Diyos at m...
23/09/2026

Thursday, September 24, 2026

John 14:1 – Sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong mabagabag. Magtiwala kayo sa Diyos at magtiwala rin kayo sa Akin.”

Hindi Man Natin Alam

Sa buhay natin, may mga pagkakataong puno tayo ng problema, takot, at pag-aalala. Minsan, hindi natin alam kung ano ang mangyayari o kung paano natin haharapin ang mga pagsubok. Pero pinaaalalahanan tayo ni Jesus na huwag hayaang madaig ng pangamba ang puso natin. Sa halip, magtiwala tayo kay Hesus. Hindi man natin alam ang mangyayari bukas, alam nating hawak tayo ng Panginoon at hindi Niya tayo pinapabayaan.

Sabi Niya sa Psalm 55:22 – “Ilagak mo sa Panginoon ang iyong pasanin, at aalalayan ka Niya”.

Kaya sa bawat pagsubok, piliin nating magtiwala sa Kanya at dalhin sa panalangin ang lahat ng ating alalahanin. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 54; 2 Samuel 14:1–24
Evening: Ezekiel 14-15; Luke 17:11–37



Tuesday, September 22, 20262 Corinthians 10:17-18 – Gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Kung mayroong nais magmalaki, ipagma...
21/09/2026

Tuesday, September 22, 2026

2 Corinthians 10:17-18 – Gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Kung mayroong nais magmalaki, ipagmalaki na lang niya kung ano ang ginawa ng Panginoon.” Sapagkat nalulugod ang Panginoon sa taong kanyang pinupuri at hindi sa taong pumupuri sa sarili.”

Laging sa Panginoon

Ang tunay na tagumpay at halaga ng isang lingkod ng Diyos ay hindi nasusukat sa papuri ng tao, sa sariling kakayahan, o sa mga nagawa natin, kundi sa kung paano tayo kinikilala at ginagamit ng Panginoon. Madaling angkinin ang kaluwalhatian kapag may magandang nangyayari sa buhay natin o sa ministry, pero ipinapaalala ni Pablo na ang lahat ng ipinagmamalaki natin ay dapat laging sa Panginoon dahil Siya ang pinagmumulan ng ating kakayahan at pagpapala. Kaya sa halip na itaas ang ating sarili, matuto tayong magpakumbaba at iparangal si Cristo. Ang mahalaga ay hindi kung gaano tayo kapansin-pansin sa harap ng tao, kundi kung tayo ay tapat sa harap ng Diyos.

Sabi Niya sa 1 Corinthians 10:31 – “Kaya nga, maging ang inyong pagkain o pag-inom, o anumang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos.”

Nawa’y sa bawat tagumpay, paglilingkod, at pagpapala, ang Panginoon lang ang ating ipagmalaki at bigyan ng kaluwalhatian. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 52; 2 Samuel 12
Evening: Ezekiel 12; Luke 15



Monday, September 21, 2026Luke 16:10 – ”Ang taong mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa mal...
20/09/2026

Monday, September 21, 2026

Luke 16:10 – ”Ang taong mapagkakatiwalaan sa maliliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malalaking bagay. At ang taong madaya sa maliliit na bagay ay magiging madaya rin sa malalaking bagay.”

Maliliit na Bagay

Ang tunay na katapatan ay nasusubok hindi lang sa malalaki at mahahalagang bagay, kundi maging sa maliliit na responsibilidad na ipinagkakatiwala sa atin ng Diyos. Puwedeng iniisip natin na maliit lang naman ang ating ginagawa—isang simpleng paglilingkod, pagiging tapat sa trabaho, pag-aalaga sa pamilya, pagtupad sa pangako, o tamang paggamit ng oras at mga pagpapala—pero nakikita ng Diyos ang puso at katapatan natin. Ang maliit na bagay ay pagkakataon para ipakita kung sino talaga ang pinaglilingkuran natin. Kaya huwag nating maliitin ang simpleng gawain; gawin natin ito nang buong puso para sa Panginoon.

Sabi Niya sa Colossians 3:23 – “Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso, na parang sa Panginoon at hindi sa mga tao.”

Maging tapat tayo sa maliliit na gawain, dahil ang bawat ipinagkakatiwala ng Diyos ay isang pagkakataong parangalan Siya. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 51; 2 Samuel 11
Evening: Ezekiel 11:14–25; Luke 14



Friday, September 18, 20262 John 3 – “Manatili nawa sa atin ang biyaya, awa, at kapayapaang galing sa Diyos Ama at sa Pa...
17/09/2026

Friday, September 18, 2026

2 John 3 – “Manatili nawa sa atin ang biyaya, awa, at kapayapaang galing sa Diyos Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo na Kanyang Anak, habang namumuhay tayo sa katotohanan at pag-ibig.”

Biyaya, Awa, at Kapayapaan

Ang tunay na biyaya, awa, at kapayapaan ay nagmumula sa Diyos Ama at kay Jesu-Cristo, at ang mga ito ay nananatili sa atin habang tayo ay lumalakad sa katotohanan at pag-ibig. Hindi sapat na alam lang natin ang katotohanan; kailangan din itong makita sa ating pamumuhay at pakikitungo sa iba. Ang biyaya ng Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas, ang Kanyang awa ang patuloy na umaalalay sa atin, at ang kapayapaan Niya ang nagbibigay ng kapanatagan sa gitna ng mga pagsubok. Kaya bilang mga mananampalataya, manatili tayong tapat sa Salita ng Diyos at ipakita ang pag-ibig ni Cristo sa ating mga salita at gawa.

Sabi Niya sa John 14:27 – “Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo; ang Aking kapayapaan ay ibinibigay Ko sa inyo.”

Ang kapayapaang mula kay Cristo ay hindi nakasalalay sa kalagayan ng buhay kundi sa ating relasyon sa Kanya. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 48; 2 Samuel 8
Evening: Ezekiel 8; Luke 12:13-48



Thursday, September 17, 2026Romans 8:18 – ”Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa nap...
16/09/2026

Thursday, September 17, 2026

Romans 8:18 – ”Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa napakagandang kalagayan na mapapasaatin balang araw.”

Huwag Tayong Panghinaan

Ang buhay Kristiyano ay hindi nangangahulugang wala nang paghihirap, sakit, kabiguan, o pagsubok. Ipinapaalala ni Pablo na gaano man kabigat ang pinagdaraanan natin ngayon, hindi ito maihahambing sa dakilang kaluwalhatiang naghihintay sa mga nakay Cristo. Kaya huwag tayong panghinaan ng loob kapag dumaraan tayo sa mahirap na panahon; ang pag-asa natin ay hindi nakabatay sa ginhawa ng kasalukuyan kundi sa pangakong walang hanggang presensya at kaluwalhatian kasama ng Panginoon.

2 Corinthians 4:17 – “Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang at hindi naman gaanong mabigat. At dahil sa aming mga paghihirap, may inihahandang gantimpala ang Diyos para sa amin na mananatili magpakailanman at hinding-hindi mapapantayan.”

Magtiis tayo nang may pananampalataya, sapagkat ang ating mga luha ngayon ay hindi ang katapusan ng ating kuwento—may kaluwalhatiang naghihintay. Be Christ-centered. Be Gospel-focused. Be eternally-minded. Be a blessing. 🙏

Scripture reading
Morning: Psalm 47; 2 Samuel 7
Evening: Ezekiel 7; Luke 11:37–12:12



Address

San Pedro City
Laguna
4023

Telephone

+639322427850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Neptune Bullies PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Neptune Bullies PH:

Shortcuts

Share

Category