27/09/2026
Huwag nyo muna kaming hanapan ng napatunayan
Dahil kami Chill lang sa aming munting Manukan
Kapag may manukan, ang unang hinahanap yung mga napatunayan.
Yung mga napanalong laban.
Totoo naman, kahit kami bibili ng materyales, doon din sa subok at may napatunayan.
Pero magkakaiba ng estado ng buhay ang bawat may gamefarm.
Meron talagang dati nang mayaman.
Merong nagsimula sa wala, at unti unting lumago, nagkaroon at nakilala.
Meron namang iba na may kasosyo na.
Pero kami, masasabi kong kami lang talaga.
Nagsimula sa wala, tanging pangarap, hilig at passion lang talaga.
Nagsuportahan at nagtiwala sa isa't isa.
Bakit di nasali sa mga big event na labanan?
Gustuhin man , dahil andyan naman may manok na kaming panlaban.
Pero hindi yun sapat. Kaya nga laging kasama sa pinasok natin, ang pagod, puyat at puhunan.
Kaya naming magpuyat, kayang magpagod. Pero ang puhunan dipa sapat.
Pamilya muna bago ang lahat.
Makakapag hintay naman ang lahat ng laban.
Ang importante naalagaan ang lahat sa manukan at nabibigay sa pamilya ang lahat ng pangangailangan.
CTTO:🫵🏼